Search

Showing posts with label underground emcee. Show all posts
Showing posts with label underground emcee. Show all posts

Friday, May 22, 2020

Artist Feature: Carlo Campit "Salitang Ugat"



I personally ask sir Carlo Campit kung pwede kong mahiram ang kayang
track so that i can post it and share it too the audience of Pinoy Hiphop Superstar,
I created this simple video too, Minsang nadiskubre sa aming PHS 2 Cents
dahil sa kantang "Pamukaw" bumilib agad kami, and syempre
kung mapapahanga kami ng isang artist mapa sikat o baguhan
gagawin namin ang aming way to promote them basta mapahanga kami ng husto.


to know more about #CarloCampit check it here:


check his "Salitang Ugat" video on his
youtube channel here: 


#ArtistFeature #Underground #PHS #PinoyHiphopSuperstar #CarloCampit #SalitangUgat

Artist Feature: JC so Fly - JC



 Maraming mahuhusay sa underground, maraming klase

sa unang pakinig ko palang sa "JC So Fly" i appreciate @JC Young right away,
dahil sa simpleng angas ng track nato, the ability to change mood and voice in
this track is enough for me to admire the guy.
And that simple yet amazing hook was daym!

check original video here:

Shoot&Edit: Zaldine Jae Alvaro
Thanks for allowing me to share this sir @JC Young

#JCSoFly #JCTheMentalSick #JCYoung #PHS #PinoyHiphopSuperstar
#LetsKeepItUndergroundFilipinoHiphopSound

Acid Rogado Pinoy Hiphop Superstar


Biography

Member of West-Land Production. One of the heavyweights in
Pinoy Hip-hop Underground.  Acid has collaborations with artists like
Nikkie Gil and the track “Handang Maghintay”,
Resflo, G-Pump, and Cyclone. There are so many talented Pinoy rappers
out there but very under-rated and Acid is one of them. 

Acid got our attention when we first heard “Pasensya Kana”.
The track is roughly saying he can’t be dictated by anyone else 
but him, “Pasensya kana, ‘di naman kasi ako tulad nila”.

His work does not revolve around money, bitches, and the rest
of the C.R.E.A.M mentality. Very profound lyricist which tackles
the exact journey of an unheard poet.

Socials

Facebook:

Youtube:


Rap style x Genre:
Lyrical

Affiliations x Rap group x Label:
West-Land Production / Good Boy Music


Music








Facebook Rapper - WUT



 "Facebook Rapper" - WUT, Ino Makata and Binibining Beats

Special thanks to sir Ino Mrtnz for allowing me to post this video, walang ka damot damot puro kaalaman ang malalaman mo sa kanta nila (WUT) mga artist who deserves your attentions, dapat ganito ang mga pinapakingan natin ung nakakapag angat ng antas ng hiphop sa pinas!

#FacebookRapper #InoMakata #BinibiningBeats #WUT #BestOf2Cents #PHS #PinoyHiphopSuperstar Jann Bourne Louize Altea

Poison 13 | Pinoy Hiphop Superstar


Biography
Marco Lacson, better known by his stage name as Poison 13,
is a rapper who hails from Mariveles, Bataan. He initially gained fame
by battling in local filipino rap battle league, Fliptop.

Mostly known because of his track “Gregor” a tragic story, a backstory
or a prequel of another person involved in Gloc-9’s “Lando“.
A unique, never been created before kind of track that makes
Poison 13 one of the most underrated
underground artist in the philippines.

Rap style x Genre:

Speed Rap, Serious Lyrics, Part-multisyllabic rhymes, Flow

Affiliations x Rap group x Label:

Rhyming In Tandem, Beatpro, Home Made Studio, BCity Entertainment,3GS

Socials 

Facebook:


Youtube: 

Instagram:

Music











Tuesday, March 31, 2020

Ino Makata | Pinoy Hiphop Superstar


Joshua Ylen Martinez
Aka Ino Makata member of WUT ( We don’t Usually Do This )
And founder of Musicamino,

Address: Brgy Tugbungan, Zamboanga City ( Mindanao )

2019 Rapture Champion

Mahal ko na ang rap mula nung grade 4 ako, lagi akong kuma-kabisado ng pyesa na naririnig ko, pero nagstary ako magsulat ng 16 years old,
Pinagaralan ko magproduce ng sariling beats at magrecord magisa nang walang tulong nang iba dahil na rin gusto kong i challenge ang sarili ko, na tumayo sa sariling paa , At naging pasimuno rin po ako nang ilang mga hip-hop events na ginagawa dito sa zamboanga 🙇🏻‍♂️

SOCIAL MEDIA:
Youtube: Ino Makata

Instagram: @Inoverse07

Thursday, February 21, 2019

#SILAMuna


Magkakaroon ako ng mga post about other unknown artist, referring to my old post. Although paminsan minsan syempre mag seshare parin ng mga sikat. And i will use #SILAMuna as the hashtag, Kung meron kayong mga artist na shinare na hindi ko nabigyan ng pansin uy ay maaring di ko pa nakita o hilaw pa. Sana maasahan ko ang suporta nyo rin at bigyan ng oras lahat ng mga iseshare kong artist.

Saturday, December 27, 2014

Random Interview with Ator "Bhon" Smoke



you know im into Hiphop which includes Rap as a music
and have a interest to Photography as well. Mix them together and 
you have Ator "Bhon Bhon" Smoke isang artist / photographer
na napapagsabay ang parehas na hilig, luckily nagkaroon ako ng time
na mainterview sya ano nga bang nagpag usapan naming dalawa?
read below:

---

PHS: So kelan ka nag simula sa rap? who inspires you? i mean sino nagsabi sau na itry mo to?as well as being a photographer kelan mo na realized that you like this

Bhon Bhon:
hmm sir bata pko mhailig na tlga aq makinig ng mga rap song . ayon yng mga panahong di pko sumusulat kaya sinasabyan q lng cla ahaha2012 aq nag start tumapak ng studio sir bali tugmaan records yng studio mga badboys ng binangonan rizalf av q tlga dati na group ng rapper URBAN FLOW. at si FRANCIS M nman sa sa solo artist sir

PHS: Are you with any group right now?o you stand a solo artist?





Bhon Bhon: Bilang photographer nmn sir nman 2010 a nag start nyan una trip trip lng kse dati pa nmn aq my cam . tas ayon unti unti hanggang kung saan san nko nkakarating kung cno cno nkakasalamuha q hangang pati video natutunan q na din sa tulong narin ng mga taong nkakasama q sir

PHS: So you do photography and video as well? do you have a studio? ano sa tingin mo ang iyong style sa photography? nag aral kaba nito? o pina aralan mo nalang sya mag isa?


Bhon Bhon: May grupo aq sir bali tatlo po kame sa grupo yes sir may mga music video na din aq na aq ang nag direk 

PHS: Anong pangalan ng group nyo? thats nice atleast may alam kang ganyan, so do u do photoshoots?

Bhon Bhon: hmm dko nman tlga pinag aralan dati sir. bali etong lng mga nkaraang buwan aq nagsaliksik about video at more photoshoot info . gusto q kse kht pano lumawak kaalaman q sa camera mahiyain kase aq magtanong sir ahaha name ng grupo ko sir 3 kings of rhyme yes sir sa photoshoot

PHS: Sino bumuo ng grupo mo?at sino ang influence ninyo?ano ang pinaka masasabi mong tumatak na kanta nyo tlg?


Bhon Bhon: Sir kameng tatlo ang bumuo bali pinag usapan nmin na try kaya nmin mg ganyan wala namang masama. ayon tas nag isip kame ng name namin naisip nga namin tatlong hari ng tugmana kilala kame talaga sir dto sa lugar nmin tatlong hari ng tugma, bali binago lng nmin kalaunan nung start na kme perporm . ginawa nmin 3 kings of rhyme kse more on love song kame sir. pag tatlong hari kse underground datingan. 

Tumatak na kanta nmin sir dto samin yng chismosa ahaha may track kse kame na hinugot namin sa kapit bahay nmin yng tema

PHS: ah ayos ah so humuhugot kayo ng kanta dipende sa paligid nyo?pano nyo ma seserate yung sarili nyo sa ibang artist na tumagawa rin ng love songs?


Bhon Bhon: oo sir minsan ganon kame . may ginawan pa nga kame lovesong kaso love life ng tropa . tinanong lan nmin ano ba nangyari tas ayon sisimulan na namin sulatan sya na magbabayad sa record minsan

PHS: ayos din yun ah so parang nagpagwa sya ng kanta sa inyo gano katagal kayo nakakagawa ng isang kanta? san kayo kumukuha ng beat? 

Bhon Bhon: para samin n kse sir sa tutuo ni minsan di nmin kinumpara sarili nmin sa kahit kninong artist. bsta ginagawa lng nmin lumikha ng mga kanta na nkikita nmin sa iba na magagaling. ok na samin yung mapatunyan rin namin na kaya namin kahit man di ganon ka perfect sir dati youtube lng sir dl lng kame may mgamit lng at malapatan. now may nagbibigay na ng original tas may mga tropa na din na gumagawa sir hmmm kanta mabilis lng sir pinaka mabilis namin 1 day kase may mga ginagawa din kse sir 

PHS: i see, kunsabagay madali lang mag compose pag naka focus na kayo in one subject, so sa tingin mo ano pa mabibigay ng grupo nyo o maiaambag sa rap game? how do u see yourself in 5 or 10 years


Bhon Bhon: isa tlga sa mga gusto q kung umabot man kame sa ganong panahon pa. urban flow sana sir . ahaha di nmn cguro masama mangarap cguro

PHS: oo naman inidolo ko rin ang grupo na yun at may mga tapes ako nun dati aayusin ko naman tong interview wag ka mag alala anyways papano mo napapag sabay ang dalawa mong career?

Bhon Bhon: Bali alternate sir gingawa q, pag may shoot kame stand by muna sa recording, tas yng pagsulat ayon pag uwi after shoot , tapos pag may libreng araw studio nman sir minsan nkakapagod din na paulit ulit mo gingawa sa buhay mo. pero enjoy nman sir kse parehas mo gusto ang mga bagay bagay ..


PHS: its nice that you know what you want. so to wrap it up any final message sa mga sumusuporta sa inyo? and to others who wants to enter the rap scene?

Bhon Bhon: Ayon syempre salamat sa mga nakinig sa mga obra nmin . at sa mga kapit bahay namin dito sa caloocan, na naniwala na kaya din pla nmin kung anong ginagawa ng iba. sa mga huminge ng cd nmin salamat.. sa mga nagsuot ng clothing na nilabas nmin noong 2013 salamat mam/sir .. sa grupo ko na 3KINGS OF RHYME, kay BOSZGEE at 18SHOCK sana tumagal pa tayo mga pre. patuloy lang sa pag lakad kahit makupad ang pag usad. god bless satin..

PHS: add your shout outs


Bhon Bhon: shout out sa mga studio na nagpasilong samin kay SPYDA ng TUGMAAN RECORDS BADBOYS NG BINANGONAN, at syempe sa BROWN PRODUCTION MUSIC kay DZHIRE UHNO at sa lahat ng kapatid namin jan sa brown pro. sa mga tropa jan sa SAD BOYS MUSIC, MCR ,SB MUSIC, sa MANILA ALLSTAR good vibes lang tayo lagi mga kap .. 

etong pangalawa sir at syempre salamat sayo sir PHS, salamat sa oras mo, para sa interview na to, karangalan samin mapasama sa mga nakausap mo. respeto sayo sir .. 


Tuesday, June 17, 2014

Random Interview with VSane


Before i made an article titled SOUNDSLIKE
which is about artist sounding like another artist,
(which by the way you can read here: 
then suddenly a Gloc-9 soundlike pop to me and i thought i was listening to a 
old Gloc-9 track but i was wrong, it was a different guy, enter V-Sane from Brown Pro.
bago natin alamin ang mga napag usapan namin listen to this...

his live performance at Kanto bar a track called "Sa Tulong Mo"

---

PHS: so kmusta ka ngayon sir? anong bago

V Sane: gagawa po ng 2nd album ..i rerecord nlng po lahat ng tracks

PHS: so the tracks are ready?
V Sane: yes po ..


PHS: so san irerecord yan sir? sa brownpro?
V Sane: opo tapos ko na po isulat lahat ..record nlng

PHS: wow thats nice sir, so i remember one time watching you sa isang event you sounded like sir Aries (Gloc-9) marami nabang nagsabi sayo nyan? anong pakiramdam that you effortlessly sounded like him?

V Sane: napanuod nyo po pala ako nun hehe..syempre sobrang saya yung feedback skin ng mga tao na sinasabi na kaboses ko siya bless po ako na magka same kami ng voice..pero for this my 2nd album kaylangan kong baguhin yung flow..gloc 9 is gloc 9 ..vsane is vsane..so kaylangan  ko po
na pang baguhin



PHS: have you ever meet him? napakingan ka naba nya?
V Sane: yup nag kita na po kami ...pero di po nya ako na  papakinggan lagi kong pinag ppray na maka trabaho siya  or pwede rin akong  mag apply as hypman..

PHS: that would be nice if it happens, pero meron ka nabang narinig na nagsabi sau na ginagaya mo sya? are you offended by this?
V Sane: masasabi kong swerte ako fan na maka work siya..


PHS: are you pressured at all na nakukumpara ka sa kanya?
V Sane: sa ngayon meron pa nmn po pero ayoko ng dumami sila..kaylangan kong hanapin si vsane ..kahit kaboses ko sya kaylangan kong pilitn or lumayo sa voice na mag katulad kami ..pero ngayon ni na practice ko na hnd siya maging kaboses khit mahirap 

PHS: Are you pressured at all na nakukumpara ka sa kanya?
V Sane: sa ngayon medyo po ..kasi kaylangan ko pong mahanap yung sarili ko 


PHS: Actually i was pressure for you too, syempre nga naman diba the comparisons at ung mga taong makitid ang utak. Pero eto so sa tingin mo lang (not bragging or anything) ano ang kaibahan mo kay sir Aries, we all know he's the best in what he do.

V Sane: Lagi kong iniisip na kalaban lang ang sarili siguro kaylangan ko pong baguhin yung flow ko ..then yung galaw twing mag peperform ..then kaylngan ko rin pong experiment ng ibat ibang flow...


PHS :i believe so, and i think you can do it time. So there's a album coming up
from you what can we expect from it

V Sane: Sana po...yung gagawin kong pong album..ang title RAP|STORY..so bali hati po yan..yung rap..yung mga naranasan ko bilang makata at ang mga mararansan ko pa..then story..kwento ko at ng ibat ibang tao like napoles,yolanda,nangyayari sa paligid yung mga ganun po

PHS: wow nice and very clever ha, so your kinda politically aware of things
so lastly sir any finals words sa mga fans that wanna enter the rap community at mga susunod pa sa yapak mo?

V Sane: Yes po ..sinasabi kasi ng ibang artist na mahirap mag isip na topic,,so pwede nmn lumabas at tumitingin tingin sa paligid sobrang dami na..or manuod din ng news hnd puro computer games.. 

PHS: thats very nice and thats a nice tip, so final words mo sa kanila sir.

V Sane: "Matutunan na daanan mga kapalaran labanan..dapat mong gawin dapat tibayan sapawan ka man kayang takasan..bakasale madale totoo lahat ng sinasabi tiwala ka lang palagi wag ka bibitaw pag mangarap ay libre"



---
most of the time we reap what we sow, because it inspires us
but what would you do if you happen to sounded like the one you look up to?
hindi kasalanan ni V Sane that he idolized Gloc-9(who doesn't anyways)
which makes him follow his style as long as he keeps improving from the time
we wouldn't mind having 2 of that style in the game. - PHS

Monday, May 26, 2014

DIYES v1


TRACK LIST:

00:00 -      Ako ay Hiphop - Koponang Kulapo
03:46 -      Mike Swift- Anghel Na Kumakanta feat. N.Y.F.P (produced by Paro Paro Beats)
08:23 - A-Syan Recordz - G.R.S. - Chicha ft Taktika - Adik Sayo
11:58 -      AMING_KINAHILIGAN_GRAPISTA_-_X3_THROWSIGN_LILRON_KNOBBY
15:20 - Come here and Listen - Kray Asha ft_ Mike Kosa
19:37 - Punch Fest 2 - Dreh
24:30 - Ako - Koz
28:22 - KyD_-_Respeto
30:18  -      N.Y.F.P- Ako Ay Pinoy feat. Jamajesty x Casper (prod. by Paro Paro Beats)
35:05  -      Nimbus 9 & God's will - Tilt your cap


isa pang programa na naisip ko ay DIYES...
sapung kanta lang po, random, hopefully every month
and hopefully tracks from UNDEGROUND Artist.

sampung kantang pinagsama sama as a long play
soundtrip, i just hope i can continue doing this
sa mga susunod pa. well see. 
but for now enjoy the very first version of DIYES



Wednesday, May 7, 2014

FILIPINO IS THE BEST by Tahjack Tikaz (Official Music Video)


Directed by Rafi Santos
Shoot and Edit: Rafi Santos
Music Editor: D2J of She's the one Production
http://www.facebook.com/tahjack

FILIPINO IS THE BEST 2014

Tuesday, May 6, 2014

RANDOM INTERVIEW: with Pistolero


ang pangalawa sa nakausap kong artist to be part of a random interview ay si sir Pistolero
na una kong nakilala tru his battles sa Bagsakatan battle, napanood ko narin syang mag perform on stage, although underground this guy have alot of potential mapa battle rap man or performing on a live crowd. He also almost win that Sunugan battle royal way back sa araneta dreams, so ano nga ba ang napag usapan namin read below:

---


PHS: kamusta ka ngayon anong bago

Pistolero: Coming soon yung battle ko kay shernan againts shernan . And may track ako na lalabas 
hinay hinay narecord na . Pero nagdadalawang isip parin kasi di siya nakalapat sa original beat :))
Coming soon yung battle ko againts shernan . And may track ako na lalabas hinay hinay narecord na Pero nagdadalawang isip parin kasi di siya nakalapat sa original beat :))
Hinay hinay ang title 


PHS: i remember watching you one time meron kang ka group, are you still a member o a certain 
group?

Pistolero: Yeah ! Hush music records .

PHS: napanood ko kayo magperform on stage one time i hate to say it pero ikaw ang pinaka nagdadala sa kanila are you guys still active o mas focus mo ngayon ang rap battle?

Pistolero: Parehas lang , pag may Invitation  ako kasama grupo ko , magpeperform kme , pero 
siyempre , minsan gusto ko rin magtry mag perform as solo para mahasa din ako 


PHS: kasali ka din dun sa lumaban way back sa araneta dream tama? di ko na malala kung sino 
nakalaban mo that time, pero i remember sitting with my sibling and we were saying that your good. 
anong feeling to be able to perform sa araneta?

Pistolero: Sobrang saya grabe ! Kasi di ko expect na makakasali ako dun . Dumating ako sa time na 
kinukulit ko na si J-Hon kakatanung kung kelan merong battle para sa slot na yun . At sa 
kagandahang palad , ako yung pinaka last champ na nakapasok dun  sobrang saya talaga

PHS: sino nga ulit ung nakatapat mo?

Pistolero: 1st battle ABRA and Dhuskie 2nd BADANG and GERALD BATO , Finals APEKZ



PHS: ah yeah si APEKZ nga pala. kung meron kang pangrap makatapat, Fliptop, Sunugan or sa Bagsakan battle sino kaya un?


Pistolero: Actually wala talaga kong pangarap makatapat , kasi lahat sila gusto kong makalaban .


PHS: thats nice sir! actually i see your improvements after improvement gumaling ka ng gumaling
pero now ano ng mga susunod mo kayang galawan?

Pistolero: Hmp , maglalabas na ko ng mga kanta , just looking for beat producers . Kasi napansin ko 
masyado kong nagfocus sa battle Salamat br


PHS: sa tingin ko nga rin sir, actually when i think about you i don't remember any track but i 
remember your a good in rap battle madali ka lang naman makakahanap ng mga producers
you can also try Domino or Mark Beats

Pistolero: Wala kasi akong idea bro . Nahihiya ako sa kanila .Di ko alam kung anu sasabihen ko :)) aahahaha

PHS: kunsabagay i get your point, i hope one day or time i can help you with that.anyways any final words sir, sa mga gusto ring sumabak sa rap music i mean rap battle and doing tracks?


Pistolero: Madali lang magrap , madaling madaling matuto , basta mahal mo yung ginagawa mo . At 
wala kang masamang intesyon kung bakit mo to gnagawa . Magrap rap ka dahil gusto mo , dahil mahal mo . At para sakin , siguro kailangan may bayag ka , at handa ka  kasi maraming kupal sa paligid ng mundong to ang gustong sumubok sa tapang mo . Ayos lang maging matapang , wag lang maging garapal at mayabang 

PHS: thank you very much sir, it was nice talkin to you, maraming salamat sa time

Pistolero: Salamat din pre  nakakatuwa kasi part ako ng ginagawa mo 

PHS: you guys are all part of what i do. 


Tuesday, April 29, 2014

Master Raiden


"Master Raiden"

Tagalog Rap Artist CEO Of M.R WRECKORDZS

aljho Villarante "Master Raiden" Born July 19, 1987 at Tañong malabon lumaki sa Tulay Kawayan
Favorite Rap Na Naisulat ko LUNETA CRIME Iba Kz ANg Naging Dating Sa Mga bata

For Booking,Guesting,Collaboration Just Contact Me 09183069680/09265595536
sa lahat ng mga artist na gusto mag records ng tracks just txt me




Like Us On Facebook "mrwreckordzs Page

Video:

Akoy Nangarap Din Noon
Still Standing Ft.Mike KOsa of 187 Mobstaz

about:

it was the year 1999 ng mag simula akong mag rap. actually more on beat box lang ako noon
nagkaroon kz ko ng girl na rapper that time...at pinakikilala nya ko sa mga oldskool
kya na encourage akong pasukin ang rap industry.simula noon nag umpisa na ko mag rap 
over the phone...isa ko sa mga freestyler sa rap station nung mga panahon na yun at
naging member ng rappers community much knowns as RAPCOM..
at proud ako noon kz mdyo mabigat
kna pag nka pasok ka sa group na yun...hanngang sa nagkaroon ako ng sariling groupo na nakilala
sa tawag na propeta clan..hndi ganon kadali dati na ma i record ang kanta sa cd kya nga
natutuwa ko sa panahon ng mga bagong sibol ngayon dahil napakarami ng nag sulputang studio 
para sa kanila..nakapag record kmi ng unang tracks dati sa bad brown production na mas kilala ngayon 
sa pangalang brown pro...kaso mdyo napaaga ako sa pag pasok sa buhay pamilyado kya napabayaan ang music
pero ngayon na nakapundar ndin ako ng sariling studio na kilala sa M.R WRECKORDZS kaya kahit papano
nakaka gawa ng mga tracs...

Shout Out:

sa mga nakasama ko sa industriya maraming salamat sa inyo sa lahat ng tropa Martial camp,tambayan records
brown production,187 mobstaz,souljas entertaiment,sigaw ng tondo,at sa mga hindi ko nabangit slamat sa inyo ,mga tol


Kris Delano


Kris Delano formerly known as Hallucinate. 
FlipTop Battle Emcee, Rap Artist for Rapskallion and
TheTakeover.

Facebook Page:

Twitter:

Monday, December 2, 2013

Cocoy G



Cocoy G

ito ang aking mundo by COCOY-G

ONE OF THE PIONEER STREET RAPER IN THE HISTORY OF PASIG
GROUP NAME: ANAK NG SOLDIERS SINCE 2001
HOLDER TITTLE CHAMPION: TAGUIG.PATEROS,MARIKINA,
ANTIPOLO,QC,PASIG AND CAINTA..
CONTESTANT IN RAP PUBLIK OF THE PHILIPPINES
SEMI FINALIST ITSUMO RAP CONTEST IN EAT BULAGA UNDER MOBBSTAR PRODUCTION.

IM STILL IN THIS INDUSTRY COZ, ILOVE HIP-HOP MUSIC
PROUD TO BE UNDERGROUND
MUCH RESPECT
COCO-Y G
ANAK NG SOLDIERS

Sunday, December 1, 2013

PIV



i go by the name of PIV (Prince ivan Villahermosa)
from sta cruz manila ..
influence: dice n k9, pharelle, snoop dogg, ludacris, lil wayne
genre: rnb / swag / club type

nag umpisa po ako pumasok sa rap scene since 2006 nung high school po ako nakikipag freestyle ako sa ibang studyante beatbox din nakikipag laban ako dati, then nung pag pasok ko ng college 2008 may isang clasmate ako na si "comrade" na may record song sila nag pm ako agad kasi gustong gusto ko talaga ang mag rap .. pinasok ako nun sa "tambayan records" na ang c.e.o c "syper one" then nakalaban ko sa freestyle si "don galpo" hinatak ko sya sa tambayan records tapos dun na na-buo sang grupo naming "poplow" sumasali kami ng mga rapcontest nun .. then mejo tumagal tagal nagkaroon ng prublema sa studio nagka hiwa hiwalay kame . naisipan namen ni don galpo na mag buo ng studio at ng grupo kameng magkakalugar kasama ci "rbie one" at dun na buo ang kasalukuyan naming grupo na sad boys .. ngayon pinag sasabay ko ang aking pag gawa ng kanta at pag aaral .. 4th year college sa pccr balak maging pulis balang araw .. hehe .. mejo mahirap pag sabayin pero kailangan ee .. kung gusto mo ang isang bagay wag mung tigilan, wag mung hahayaang hanggang pangarap lang, abutin mo at lampasan mo pa ito .. nag papasalamat ako sa mga nakikinig sakin at sa aking grupo na patuloy na sumosoporta .. sa pakikinig gamitin ang tenga, isip, at puso .. salamat po 

my 2nd acc

fan page

group

clothing "fresh peso"

Monday, September 16, 2013

Top 20 Pinoy Hiphop Underground Emcee CANCELED!!!


So... sad news, last month yata when i post about this ad, of me asking
kung sino sa tingin nyo ang top 20 underground emcees, honestly
i have some artist i have in mind but i realized that i need to cancel
this top 20 "MUNA"  

why cancel? because i realized by asking from both my accounts (hiphop fans)
that people have their own preference most of the fans ay bumabase lang sa fliptop, or sa kung
ano man ung mga napapanood nila, some voted veterans, some voted legends
i think the topic should be specific as we can't categorized same set of artist,
meron mga magagaling na talagang underground, meron mga veterans na underground,
merong mga malapit ng sumikat or almost there but still considered underground,
merong mga net rappers, battle emcees, iba iba

before we can do this i think we need to categorized things up, pero again
some people may hate the idea too, some people thinks labeling is not good
na dapat pantay pantay, yung iba naman syempre ayaw ng ganon.

so what we need is some "MASTER LIST" it's kinda like
a labeling of some sort, ayoko sanang gumawa rin ng ganon
as i think i don't have the rights to label or categorized artist
pero para lang may konting uniformity. 

anyways so sa ngayon this top 20 list is canceled.