Search

Wednesday, February 29, 2012

BOL NA BOL - GAB, JWILL, SUNNY BLAZE




SOULFUL MELODIES VOL. 5

GAB, JWILL, SUNNY BLAZE - BOL NA BOL

Urban Myx


Tune in on Thursday at 2:00 am for the world premiere of the ALL-NEW URBAN MYX! Then at 9:00 am, 5:30pm and 10:00 pm! You can't miss this! Make it a daily habit! PEACE!

Breezy Girlz


Basic Information

Genre
Hiphop & Rnb
Members
BG.Venice, BG.Nickka, BG.April, BG.Zhelosa, BG. kejs
Hometown
Straight from P.I.
Record Label
INDEPENDENT
About
we are the MUSIC inside YOU. Aphryl- KEJS - Venice
Description
kung may Breezy Boyz, syempre di mawawala ang Breezy Girlz =]
Current Location
Philippines
General Manager
Breezy Boyz
Website

Breezy Boyz


Basic Information

Genre
Hip-hop & RNB
Members
Curse One, Vlync, Dhonmez, Lux & Slick One
Hometown
Philippines / Japan
Record Label
INDEPENDENT
About
The Music.
Current Location
Valenzuela, Philippines. Japan. Caloocan, Philippines.
General Manager
Curse One
Artists We Also Like
Chris Brown, Neyo, Trey Songz, Ryan Leslie, Fabolous, Jagged Edge, Blackstreet, Bobby Valentino, Michael Jackson, Usher, Alicia Keys, Jay-Z, T.I., Bow wow, Justin Timberlake, Ashanti, Lloyd, New Boyz, Lil Wayne, Jay Sean & Many more.
Website
Booking Agent
Curse One, Vlync, Dhonmezz, Lux, Slick One

Tuesday, February 28, 2012

6ft 7ft Remix - SKWATERVision Santo featuring Zikk



Santo featuring Zikk - 6ft 7ft Remix

Santo

asan na mga bago? di ba kayo ay mga puro makata/
marunong ka nga ba?/ o panggulong damuhong may hawak/
ng cursor at mouse pad/ natutong magrecord sa tulong ng laptop/
ano? musikerong totoo ka na kagad/
bobo, grupo ko dapat/ ang lagay mo sayong ipod/
laglag panga parang tinalian ng buko sa baba/
tanggal ang hangin mo parang putol ang tubo sa baga/
laro'y gagatasan parang guya sa suso ng baka/
maanghang ang letra't laway ko'y tumutulo na lava/
at ako ang dahilan kung ba't lady mo ay na-gaga/

kung trip mong magpaputol ng hangin/
saka ka lamang makakatanggap ng tulong sa akin/
dapat kayo tapusin, tenga'y umuusok sa galit/
magsalita agad kung sino ditong tutol sa akin/
alam nyo lang sa buhay ay pagsubo ng saging/
maski na lakatan o saba ay tututok sa labi/
maski na mataba o haba o bulok kalahati/
lunok pag bulaga ng dagta dun sa dulo ng ari/
ang mga letra ko ay parang utos ng hari/
hindi nyo mababali kahit may sumugod na army/

hindi ko lalaitin ang hindi kalait lait/
putang ina nyo, mga kanta nyo ay kay pangit pangit/
kung ano ang hit, ganun ang trip, kaya papalit palit/
maligalig/ kaya si santo senyo ay laging badtrip/
kanta nyo ay septic tank dahil ang laman ay tae/ 
wala kong tinitira pero sana may madale/
kung 'babase mo sa boses lang ng rapper ang imahe/
ako'y para bang demonyo na may katawan ng kapre/
mga madapakas sana madapa sa kable/
ng mikropono at wag na dapat kalagan sa tale/

dapat king kong-in/ ang larong naging boring/
nursery ang rhymes, ang quality ay london bridge, falling/
bugbog sakin ang beat na parang kini-kick boxing/
di nga ko nagra-rap ngayon, ako ay sleep-walking/
tsinutsunami ko kaya taob ang bangka/
polusyon ang rason kung bakit ba baon ang bansa/
kaya mas gugustuhin ko nang masapok sa panga/
kesa sa maglabas ako ng patapon na kanta/
at magiinom na lang kahit na bawat paglagok mapakla/
kesa benta konsensya para pumatok sa madla/

pambara kelangan? di ako mauubusan/
panulak? meron din, kaya sila'y naguurungan/
kelan darating na kayo'y di na susubuan/
daming hain ng skwater, di ba kayo nabubulunan?/
pafreestyle laseng na, samin pa pati pulutan/
makaramdam sanang di pa bawi ang aming puhunan/
baliktaran na ang listahan sa dami nyong utang/
kung bayad bawat kanta ginto na aking upuan/
baka nagrerelax na lang ako sa platinum duyan/
kelan pa yun? kapag ako na ay marami nang uban/

fan parin ako, pero ang trip, piling pili lang/
kahit meron mag ingay, ako ay bingibingihan/
pareho mag isip ni shinchan/ lumulobo ang rap/
pero di na lutang parang lobong di hinipan/
inuugat na 'ko, pero may sign na may tutubo/
skwater tree of life, matibay tibay na bagong puno/
kaya nagaapoy aking desire na bumulusok/
apoy dinudura at yoga fire ang sinusubo/

mas sick ako kay zikk at bawat lines ko ay may tulo/
ako ang idolin nang mainspire ka na sumuko/

Zikk

kamiy parehong malakas caviteniong marahas
mga henyo na ang bars e disenyong alcatraz
kami senyong babanas at kung merong mag angas
sa black and yellow ni santo,sa block ng yelo kakaskas
ang mukha mo yan ang premyo pangremedyo sa manas
para dito mabawasan ng pilipino na paclass
mga emo na ang crush e pangbehong palabas
mga pasosi sosi pa pero ang b.o. ang lakas
at magmadali ng umatras walang talinong balagtas
kase takbo ng utak ko parang sang libong satanas

isa akong demonyo na ang hilig ay gulo
na ang isip ay puno ng mga himig pangbuno
nanatiling may tuyong puso d pag ibig ang gusto
ang boses ko ang papalit sa tinig ng dyos mo
at sa sarili mong mundo di ka matatahimik
gagawin kong bangungot ang yong mga panaginip
akong magpapaisip makitil ang buhay mo
at pag patay ka na akong iihi sa hukay mo
rest in my piss at malunod ka sana
nga pala sa susunod ang masusunog ay masa

"LOVE-ON-LINE" - INOZENT ONE, LUVGEE, SPYKER ONE



"LOVE-ON-LINE" (full version) - INOZENT ONE, LUVGEE, SPYKER ONE

Monday, February 27, 2012

Hambog Ng Sagpro Krew-Alaala Nalang ft. LUN (Lyrics)




1st Verse:

Hindi ko ginusto ang ilayo ako sayo mahal
Ngunit ito ang desisyon ng tadhana at may kapal
Alam ko din ako'y magtatagal sa lugar na to
Na kung saan wala ka kaya kulang kulang ako
Hindi lang araw hindi lang buwan kundi ilang taon
Tayo ay di magkikita makakaya ko ba yon
Sa tingin ko hinde hindi ko kaya
Dahil ako'y mamamatay kapag wala ka
Wala ka na dito sa aking tabi kaya di na mapigil ang luha
Gusto kitang makapiling mayakap mahalikan yun lang di ko pa makuha
Dahil ilang kilometro at milya ang ating distansya at ating pagitan
Pangungulila ko sa iyo yan ang resulta ng aking biglaang paglisan
Di ito madali para sayo ngunit mas hindi madali to para sakin
At alam kong hindi tayo magkakalapet kahit sa isang libong dalangin
Nadadama ang lungkot at puot hinagpis at ang pagkabigo at pasakit
Ngunit gaano ka man kalayo saking puso palagi ka ditong malapit

CHORUS:

Inisip ko kung bakit ganito ang langit
Nilayo ako sayo
Hindi ko matanggap mahirap magpanggap
Na ako'y hindi bigo
ngunit di ko rin inaasahang mangyayari to
Kung ikaw ay alaala nalang paano na ako

2nd verse:

Binibilang ang mga araw hanggang saking pagalis
Habang palapit ng palapit lalo akong nagtitiis
At tinatago ang namumuong lungkot saking damdamin
Di mo lang alam di ko na kaya di ko lang maamin
Dahil sabi mo sa akin masaya ka para sakin
Di mo lang alam ako'y nalulungkot na para satin
Dahil tayo'y magkakalayo ng walang kalaban laban
Ang masakit pa doon kung kelan pa tayo nagmamahalan
Nagmahalan tayong dalawa ngunit bakit ito naging plano
Ng kapalarang naging malupet ako'y inilayo sayo ng eroplano
Habang ako'y nasa himpapawid ako'y nakatingin sa mga alapaap
At iniisip na sa alaala nalang ba kita muling makakayakap
At sa gabi nakatitig sa mga larawan na katabi ko saking kama
Nakatingin at tinatanong dito na lamang ba tayo magkakasama 
Nasa malayo na ang aking katawang tao at parang pinipilas
Dahil puso ko'y naiwan jan sayo sa Pilipinas

Repeat Chorus:

3rd Verse:

Ang pilitin kong limutin na sa buhay ko'y wala sya
Ay parang pilit sinusuot singsing na hindi kasya
Dahil habang pinipilt mas sumasakit ng todo
Kaya buhay ko ay parang musikang wala sa tono
Di ba pwede naman magsama ang nagmamahalan
Di ba pwede naman wala na din ang hiwalayan
Di ba pwede naman sa pagibig walang hadlang
At pwede ba sya ay ibalik nalang
Walang matarik na bundok walang karagatang malalim
Na aking tatawirin maibalik ka lang sa akin
Dahilan kung bat nabuhay sakin ang pagkasawi
Ay ang pagibig nating tamang nasa oras na mali
At sana wag mo palitan jaan sa puso mo pangalan
Ng lalake na nagsabe na "mahal kita paalam
At magingat palage" noong aalis na sya 
At higit sa lahat "Mamimiss kita"

Repeat Chorus

4th Verse:

Paano na ko mamumuhay nito kung sa piling ko ay nawala
Ang nagiisang minahal ko makasama ko sya ay isa nalang bang himala
Alam ko na sa oras na to ay nakikinig kang pinipigil mo ang pagiyak
Sige ilabas mo wag pigilin ang emosyon ng iyong puso na nagkabiyak
Dahil ang alaala nating dalawa ay nagiwan ng sugat na nakamarka
Sino ba naman ang hindi masasaktan kapag nalayo ang tao na mahal ka
At kung minsan naisip ko din na wag nang ituloy itong nagawa ko na kanta
Dahil malamang pag narinig ko ito sigurado na maaalala kita
Pero kahit pilitin umiwas sa sitwasyon naten ay kusang bumabalik ang
Mga nakaraan kaya titulo ng kanta ko ngayon ay alaala nalang
Dahil sa alaala nalang umiikot ang aking isipan na nalilito
At prisensya ng pagmamahal mo sa akin ay dala ko lagi at naririto
HIndi man kita nabigyan ng materyal pero di mo alam may iniwan ako
Ito ang isang bagay na di maluluma yun ay ang pagmamahal ko sa iyo
Sana pagkaingatan mo yan hanggang sa oras na ikaw ay muli kong balikan
Dahil ipinangako di na ko iibig sa puso ko di ka mapapalitan

Repeat chorus

Sunday, February 26, 2012

Sana'y Ako Na Lang - Dize


Title: Sana'y Ako Na Lang
Artist: Dize (Mongol Unit)
Beat produced by: Deaf Keyz


Hook:
May nagmamahal naba sayo?
kung wala'y ako na lang...
lahat ibibigay sayo ng walang alinlangan
sana'y bigyan naman ng pansin ang puso kong ito
kaya tanong ko lang, kung may nagmamahal naba? 
sana'y ako na lang


Ako'y tagahanga mong palihem/
nakukuntento na lang sa sulyap na tingen/
at sa pagtulog ko lang pwede kitang lambingen/
kasi pag kausap kana ako'y kayang kayang lansihen/
ng naramradam ng isang mangingibig na duwag/
umiibig sa bulag/ walang magawa kundi bumulong sa hangin/
na balang araw ang katulad mo ay maging akin/
pero hanggat di pa natutupad ang mga oras na yon/
andito lang ako nagmamasid ngayon/
na kahit nasa malayo, mga mata ko sa iyo parin nakatuon/
minamasdan ang bawat galaw mo/
kaya kahit di mo ako tanongin alam na alam ko/
ang mga bagay gusto mo at ayaw na ayaw mo/
tinitiyak na parati kang nasa mabuting lagay/
kasi ang puso ng taong to ay nasa iyong mga kamay/
taong wala ng mahihingeng material na bagay/
na walang ibang pangarap sa buhay/
kundi ang makita kang masaya at yun ang kaligayahan kong tunay/
kaya hanggang ngayon ako ay/ pilit parin sayo ay/
umaasa na ang mga ito ay/ (makita mo)

Minsan akoy nawawalan na ng pagasa/
kasi rumaragasa/ ang nasa/ takbo ng isip kong di mo ako madama/
kahit putcha sa puso ko ikaw ay nadama/
ako ang king na mahirap madale/
pero bakit sayo touch move akoy namate/
pilit ko man sabihin na sana di na lang/
pinipilit parin ng damdamin ko sandali na lang/
matatalo ko rin ang tinatagong kaba/
mga naglalarong daga/ ay akin ding matataga/ 
hirap man ang kalooban ay aking din matitiyaga/
kasi marahil di pa ngayon ang takdang panahon/
di ko pa nalalaman ang sagot sa mga tandang pananong/
pero natitiyak kong may tamang plano ang panginoon/
kaya nagawa niyang pagtagpuin tayo noon/
at ipakilala sa isat isa /sa isang kisap mata/
ay kislap kana/ lumiwanag sa mga mata kong nanilim/
na siyang nagpaliwanag na ikaw ang dapat kong mahalin/
kaya hinihiling kong kahit isang minuto ika'y maging manikin/
para masabe nalihim na pagtingin/ (para sayo)

Kasabay ng aking muling paglitaw/ ay ang pagpapakawala at pagbitaw/
ng mga salitang nais kung sabihin sayo ng pasigaw/
upang maintindihan mo at tumatak sayo ng palinaw/
na oo mahal kita minahal kita at mamahalin pa kita/
ng walang kundisyon/ at kung dissyon/ sa sarili ko di ko na kasalanan/
kasi ang misyon/ ay ang malabanan/ ang kahinang pinaglalabanan/ 
ng utak at puso sa babaeng pinaglalaanan/ 
ko na pag ibig na punong puno ng pagmamahal/
na siyang kasama sa bawat panalangin ko/
sakaling ang mag ka gusto ko sa akin ay alanganin to/
sana'y alalahanin mo/ na di man ako ang lalakeng pinapangarap mo/
handa akong maging ganon kung yun ang hinahanap mo/
bigyan mo lang ako ng pagkakataon/ at pagnagkataon/
makikita mo at mararamdaman mo kung gaano ka sa akin kahalaga/
ikaw ang pag ibig na walang katapat na halaga/
subalit nung mga oras na ako'y sigurado ng magtatapat na/
saka ko na lang nalaman na mahal kana pala/ (sanay ako na lang)

MABUHAY - Omar baliw


FREE DOWNLOAD:

Beat by: JedLi

LYRICS:

Mabuhay ! Tara sa buhay ko na makulay
na tunay na tunay kantang ito patunay!
Hanggang hukay, kuha'y malatalambuhay
mala-talampunay kaya mata ay mapungay.

Sumasabay sa hamon may talino at diskarte
Ginagamay ang alon, abot lagpas sa istante.
Diskubre ang araw araw, ang dating di sobre
Disco pre' gabi gabi, hindi to matapobre

Sakto hindi sobra artistikong mga obra
Hanay ay nasa taas, Hari ng mga cobra.
Kubra pa panalo ka kasi nag tiyaga ka
Walang swerte oh himala, kahit magtaga ka!

Wag kang magtaka sa halip iyong subukan
Susubuan ang mga gutom upang ito'y tubuan
nang sapat na talino na kaya mong sumabay
MABUHAY sa lahat, Tara sa aking SUMAKAY!

Gobyerno - Ronwaldo




ganito sa pilipinas ang gobyerno,gobyerno. 
pera lang ang habol sa imperyo,imperyo. 
buhay ng pinoy nasa impyerno,impyerno. 
dapat magisip ng di masayang mga boto nyo.

-----------------------------------------------

ang pulitiko ay para bang basahan na tuyo. 
pagkatapos mangako sabay kakamot sa puyo.- 
bawat panig may batuhan may sarili na buyo. 
pagandahan ng pakay lahat ng boto masuyo.-

ang pamumuno lang naman naman ang gustong makamit. 
pag halalan ang usapan sa mahirap kakapit. 
gagawa sila ng jingle/para hit na single. 
pagnanalo heto san miguel bottle.-

sagot ko ang lahat pero wag nyong ikalat. 
magbibigay ako ng nakulimbat. 
kahit pinoy ay mamatay ng dilat. 
akoy binge kahit ang gas umangat.

mga mahirap ay walang pang lapag. 
kse pangulo ay wala ng habag. 
sya nagpatupad sya pa naglabag.- 
matatapos na ang terminong walang inambag.

-----------------------------------------------

ang dami na nila mga sakim sa salapi. 
pagnahuli na ng media ang labas silay api. 
tigilan na nila ang pang gagago sa bayan.- 
na ginagamit ang yaman para tapalan hukuman.

sa daming kinurakot pag kalikot humuhugot. 
kaban ng pilipinas mapula kakakurot. 
pulupot ng pulupot mga ahas sa senado. 
trabaho ba ang pakay o lumikom ng pondo?-

tumataas ang aking tono heto aming abono. 
ang dami mong na goyo sa pag hawak ng trono. 
nasan napunta mga binayad na buwis.- 
mga tao naghihirap katumbas nito ay pawis.

batas na babayaran pati buhay narin. 
cnong tetestigo para lang sakalin.- 
tututukan ng baril para hindi lang umamin.- 
ililibing nalang sa lupa pagdasal nalang amen.

Tulak Palayo - Mic Fiendz(Rapskallion Familia)


Alak, Usok Ikaw..!!!
---
thanks for sharin sir Kerwin :-)

Livin' a Dream - AERO.


LIVIN' A DREAM by aero. (Albert Temporosa Penafuerte) 
produced by swenexXx beatZ is now available for FREE DOWNLOAD!!!

Download link:
_______________________________________________
---
thanks for sharin sir Swen Martin A. Amolo

Thursday, February 23, 2012

IKAW - Negatibo & Slick One


Suportang Tunay by the Pinoy Hiphoppaz All-Stars



From volume 3 of the Pinoy Hiphoppaz compilation released during the 10th year anniversary of BFe in Sept. 2011, this track includes Balikwazs of A41 Unity, Pmack of BFe/NC, Zigzag of 8th District/BFe, Szphell of BFe, Spot of Solid Boyz, CJ Deville of the Klassikz/Doobie Me, Yough of BFe/Tambayan, Bleed of Onethedd, and Jug Honeyluv of Butta-Flava/BFe.

Wednesday, February 22, 2012

Kanton - Sunny Blaze

Kalamidad Official Video



Jonan Aguilar - Kalamidad Official Music Video - Feat. Ian Tayao, Reg Rubio and Mike Swift
with Biboy Garcia, Anak Band, Freddie Aguilar and Pepe Smith

Director - Willan Rivera
Director of Photography - William P. Rivera
Cinematographers - Russel Rivera, Wendel Rivera and Ralph Laurence Acasio
Editor/Colorist/Visual Effects - Willan Rivera
Props-Neil Tanaleon
Researcher - Paolo Soriano
Location Manager - Jan Gabriel Dela Cruz
Technical Supervisor - Emmanuel Sanchez
Associate Technical Producer - Val Bunao
Concept by Jonan Aguilar
Produced by Jonan Aguilar

Tuesday, February 21, 2012

KALAMIDAD LIVE - Jonan Aguilar, Ian Tayao, Reg Rubio, Mike Swift


the Live version YEAH!!!!

KALAMIDAD Music Video (preview)


ala pirated CD ang copy ko anyways Official video will be posted soon. 
the audio is clear though check it.

S.A.M. Force - Jonan Aguilar LIVE (Kalamidad Music Video launch)

Pilipino Ka LIVE (Kalamidad Video launch)

BIKTIMA LIVE (Kalamidad Music Video launch)

J Skeelz LIVE (Kalamidad Music Video launch)


Sir Jskeelz with dope 3 songs, i only have 2 though.

Biglang Liko LIVE - Ron Henley (Kalamidad Music Video launch)

KALAMIDAD Music Video launch events pictures

K-Jah

Ron Henley



Ajka

Billiards? YEAH


J Skeelz





Jonan Aguilar

Jeriko Aguilar & ANAK Band 

Ezentricity DJ Show Ep3



Episode 3 listen :-)

Sunday, February 19, 2012

Wednesday, February 15, 2012

RONWALDO FREEVERSE MIXTAPE (FREE DOWNLOAD)



"RONWALDO FREEVERSE MIXTAPE FOR FREE DOWNLOAD"

1.duelo
2.1997
3.gobyerno
4.forever young
5.napasipol
6.freeverse
7.romi garduce
8.habulin ang swerte
9.walang balak
10.luha ng laban
11.lumingon
12.hater's soup
13.lakbay diwa
14.hiphop
15.dura

RONWALDO OFFICIAL MUSIC VIDEO 1997: http://youtu.be/f6J39tLxld0



----
Dope SH*T!!! :-)
thanks for sharin sir Ronwaldo


RONWALDO FREEVERSE MIXTAPE (FREE DOWNLOAD)



"RONWALDO FREEVERSE MIXTAPE FOR FREE DOWNLOAD"

1.duelo
2.1997
3.gobyerno
4.forever young
5.napasipol
6.freeverse
7.romi garduce
8.habulin ang swerte
9.walang balak
10.luha ng laban
11.lumingon
12.hater's soup
13.lakbay diwa
14.hiphop
15.dura

RONWALDO OFFICIAL MUSIC VIDEO 1997: http://youtu.be/f6J39tLxld0


----
Dope SH*T!!! :-)
thanks for sharin sir Ronwaldo


Tuesday, February 14, 2012

Pinoytality - Songs Of Love Mixtape (FREE DOWNLOAD)



Pinoytality - Songs Of Love


Track list:

Ganun Talaga
Gusto Kong Malaman Mo
Hanggang Ngayo'y Mahal Featuring Caloi
Lihim Featuring Abie
Magkasuyo
Mahal Pasensya Na Featuring Nina
Notice Me
Pagtatapat
Sabi Ng Puso Featuring Astig
Salamat (Mahal Pasensya Na Part II)
Sawang Sawa Na Ko Featuring Astig
Wala Na Bang Pag-ibig


Para Sa HipHopan - Pinoy Wit Attitude


thanks for the shout sir  Eazy :-) kasama pa ang logo ng PHS
salamat sa supporta at promote.
mukhang may bago ng theme song ang PHS :-)

Ms.J - Hi Hater! (Ms.J Original)




---
thanks for sharin Ms.J

Dating Atin - ZiKK FEATURING PIPOY JOHN (RAW VERSION)


free download soon @ www.skwaterhawz.blogspot.com

RAP VERSION NG DATING ATIN ORIGINALLY DONE BY PIPOY JOHN
BEAT BY: PIPOY JOHN

LYRICS:
tayong dalaway nabiktima ng pag-ibig
yun e makikita sa titig at iisa na himig
na sinasabi sa iba y "patay na sya sa akin"
pero tanong sa sariliy ba't panay pa sya pahaging?
ako bang tinutukoy nya sa status?
makasagot nga..kaya di tuloy matapos
ang palitan ng mga salitang nakakasakit
panay away hindi namamalayang nagkakalapit
na naman ang mga damdamin pero di naaming
gusto pa ng puso naten kase kahit di na atin
ang isat isa at kahit na lagi pa nateng sinasabing
ayoko na sayo!e may tayo pa din na laging
nagsasalubong pa rin kahit mag-iwasan
naghihintayan pa rin kahit nag-iwanan
kaya kahit alam nateng di na babalik ang dati
pinilit nateng maging tayo bago ang tayo Ay nangyare alam man nating..

nailipad na ng hangin ang kahapong dating atin
nalimot na ng panahon (2x)


madaming nagsasabi na pag minsan nagmahalan kayo
di na kayo pede ulet maging magkaibigan
pero d naten kayang mawala yung isat isa..

kaya ating sinubukang magbalik sa simula
at bigyan ng katuparan ang ating sinumpa
na d man tayo sa huli't mauwi man to sa hiwalayan
ang pagkakaibigan naten e d pedeng mawala yan
kase bago naging tayo merong ikaw at ako
na dalawang magkaibigang naligaw sa laro
ng mga puso't natukso na magbuo ng pangarap
pero parehong nabigo't sa pagguho ang nahanap
ay ang isat isa bilang sandalan na balikat
pareho naten yung gusto pa sanang mabalik at
magsabihan ng hapding nasa kalooban
pero paano yun mangyayare kung ang katotohanan
ay tayo ang dahilan kaya nagganito tayo
paano naten sasabihin ang ating laging payo
na "layuan mo na sya" kung ako ang tinutukoy ko
at "kalimutan mo na sya" kung ikaw ang tinutukoy mo

nailipad na ng hangin ang kahapong dating atin
nalimot na ng panahon (3x)

sabi pag di na pede di na dapat pinipilit
kaya ewan ko kung bakit hinahanap,iniisip
pa rin naten palaging magbalik ang dati na tayo
na kahit naglaho nay malabong damdamin magbago
at kahit alam natin na pagod na ang puso naten
d pa rin naten mabago ang takbo ng kurso naten
sa isat isa pa din naikot ang mundo naten
at kahit anong gawin at d nateng gustong unahin
ang bugso ng damdamin e yun ang nauuna
magpakamanhid man,ang pag ibig ang napupuna
kahit na pasakit lang minsan ang nakukuha
basta andyan pa din ang pansin tayo e natutuwa!
OO natuto na tayo kaya di na maturuan
pero pinaglalaban pa to at d pa maurungan
biktima tayo ng pag ibig na di na natulungan
puro tayo simula kaya di nagkatuluyan
pero d matapos kahit ang tayo nay natapos
kase meron pa ding ako at ikaw na nakagapos
palihim na umaasa na sana muling maayos
kaya walang paki sa dami ng luhang umaagos
sa mga mata at kahit na itoy hindi na tama
mali na kung mali alam nating pinagpala
tayo minsan at tinadhana kaya pinagsama
kaya wala nagsising nagsabi satin ng di na sana
kung nasan man tayo ngayon tayo ang nagdala
kung nasa impyerno tayo wag tayo na magtaka
sa inakyat nating pangarap tayo ang nagbaba
at kung ano ang meron tayo nun tayo ang nagwala
wala tayong magagawa pa kundi tanggaping
masama man sa loob e mas mabuting tanggalin
na lang naten ang isa't isa sa mga buhay naten
kase ang pagmamahalan ang gumawa ng hukay naten

nailipad na ng hangin ang kahapong dating atin
nalimot na ng panahon 

---
thanks for sharin sir Zikk