Search

Tuesday, February 14, 2012

Dating Atin - ZiKK FEATURING PIPOY JOHN (RAW VERSION)


free download soon @ www.skwaterhawz.blogspot.com

RAP VERSION NG DATING ATIN ORIGINALLY DONE BY PIPOY JOHN
BEAT BY: PIPOY JOHN

LYRICS:
tayong dalaway nabiktima ng pag-ibig
yun e makikita sa titig at iisa na himig
na sinasabi sa iba y "patay na sya sa akin"
pero tanong sa sariliy ba't panay pa sya pahaging?
ako bang tinutukoy nya sa status?
makasagot nga..kaya di tuloy matapos
ang palitan ng mga salitang nakakasakit
panay away hindi namamalayang nagkakalapit
na naman ang mga damdamin pero di naaming
gusto pa ng puso naten kase kahit di na atin
ang isat isa at kahit na lagi pa nateng sinasabing
ayoko na sayo!e may tayo pa din na laging
nagsasalubong pa rin kahit mag-iwasan
naghihintayan pa rin kahit nag-iwanan
kaya kahit alam nateng di na babalik ang dati
pinilit nateng maging tayo bago ang tayo Ay nangyare alam man nating..

nailipad na ng hangin ang kahapong dating atin
nalimot na ng panahon (2x)


madaming nagsasabi na pag minsan nagmahalan kayo
di na kayo pede ulet maging magkaibigan
pero d naten kayang mawala yung isat isa..

kaya ating sinubukang magbalik sa simula
at bigyan ng katuparan ang ating sinumpa
na d man tayo sa huli't mauwi man to sa hiwalayan
ang pagkakaibigan naten e d pedeng mawala yan
kase bago naging tayo merong ikaw at ako
na dalawang magkaibigang naligaw sa laro
ng mga puso't natukso na magbuo ng pangarap
pero parehong nabigo't sa pagguho ang nahanap
ay ang isat isa bilang sandalan na balikat
pareho naten yung gusto pa sanang mabalik at
magsabihan ng hapding nasa kalooban
pero paano yun mangyayare kung ang katotohanan
ay tayo ang dahilan kaya nagganito tayo
paano naten sasabihin ang ating laging payo
na "layuan mo na sya" kung ako ang tinutukoy ko
at "kalimutan mo na sya" kung ikaw ang tinutukoy mo

nailipad na ng hangin ang kahapong dating atin
nalimot na ng panahon (3x)

sabi pag di na pede di na dapat pinipilit
kaya ewan ko kung bakit hinahanap,iniisip
pa rin naten palaging magbalik ang dati na tayo
na kahit naglaho nay malabong damdamin magbago
at kahit alam natin na pagod na ang puso naten
d pa rin naten mabago ang takbo ng kurso naten
sa isat isa pa din naikot ang mundo naten
at kahit anong gawin at d nateng gustong unahin
ang bugso ng damdamin e yun ang nauuna
magpakamanhid man,ang pag ibig ang napupuna
kahit na pasakit lang minsan ang nakukuha
basta andyan pa din ang pansin tayo e natutuwa!
OO natuto na tayo kaya di na maturuan
pero pinaglalaban pa to at d pa maurungan
biktima tayo ng pag ibig na di na natulungan
puro tayo simula kaya di nagkatuluyan
pero d matapos kahit ang tayo nay natapos
kase meron pa ding ako at ikaw na nakagapos
palihim na umaasa na sana muling maayos
kaya walang paki sa dami ng luhang umaagos
sa mga mata at kahit na itoy hindi na tama
mali na kung mali alam nating pinagpala
tayo minsan at tinadhana kaya pinagsama
kaya wala nagsising nagsabi satin ng di na sana
kung nasan man tayo ngayon tayo ang nagdala
kung nasa impyerno tayo wag tayo na magtaka
sa inakyat nating pangarap tayo ang nagbaba
at kung ano ang meron tayo nun tayo ang nagwala
wala tayong magagawa pa kundi tanggaping
masama man sa loob e mas mabuting tanggalin
na lang naten ang isa't isa sa mga buhay naten
kase ang pagmamahalan ang gumawa ng hukay naten

nailipad na ng hangin ang kahapong dating atin
nalimot na ng panahon 

---
thanks for sharin sir Zikk

No comments:

Post a Comment