Search

Sunday, February 26, 2012

Sana'y Ako Na Lang - Dize


Title: Sana'y Ako Na Lang
Artist: Dize (Mongol Unit)
Beat produced by: Deaf Keyz


Hook:
May nagmamahal naba sayo?
kung wala'y ako na lang...
lahat ibibigay sayo ng walang alinlangan
sana'y bigyan naman ng pansin ang puso kong ito
kaya tanong ko lang, kung may nagmamahal naba? 
sana'y ako na lang


Ako'y tagahanga mong palihem/
nakukuntento na lang sa sulyap na tingen/
at sa pagtulog ko lang pwede kitang lambingen/
kasi pag kausap kana ako'y kayang kayang lansihen/
ng naramradam ng isang mangingibig na duwag/
umiibig sa bulag/ walang magawa kundi bumulong sa hangin/
na balang araw ang katulad mo ay maging akin/
pero hanggat di pa natutupad ang mga oras na yon/
andito lang ako nagmamasid ngayon/
na kahit nasa malayo, mga mata ko sa iyo parin nakatuon/
minamasdan ang bawat galaw mo/
kaya kahit di mo ako tanongin alam na alam ko/
ang mga bagay gusto mo at ayaw na ayaw mo/
tinitiyak na parati kang nasa mabuting lagay/
kasi ang puso ng taong to ay nasa iyong mga kamay/
taong wala ng mahihingeng material na bagay/
na walang ibang pangarap sa buhay/
kundi ang makita kang masaya at yun ang kaligayahan kong tunay/
kaya hanggang ngayon ako ay/ pilit parin sayo ay/
umaasa na ang mga ito ay/ (makita mo)

Minsan akoy nawawalan na ng pagasa/
kasi rumaragasa/ ang nasa/ takbo ng isip kong di mo ako madama/
kahit putcha sa puso ko ikaw ay nadama/
ako ang king na mahirap madale/
pero bakit sayo touch move akoy namate/
pilit ko man sabihin na sana di na lang/
pinipilit parin ng damdamin ko sandali na lang/
matatalo ko rin ang tinatagong kaba/
mga naglalarong daga/ ay akin ding matataga/ 
hirap man ang kalooban ay aking din matitiyaga/
kasi marahil di pa ngayon ang takdang panahon/
di ko pa nalalaman ang sagot sa mga tandang pananong/
pero natitiyak kong may tamang plano ang panginoon/
kaya nagawa niyang pagtagpuin tayo noon/
at ipakilala sa isat isa /sa isang kisap mata/
ay kislap kana/ lumiwanag sa mga mata kong nanilim/
na siyang nagpaliwanag na ikaw ang dapat kong mahalin/
kaya hinihiling kong kahit isang minuto ika'y maging manikin/
para masabe nalihim na pagtingin/ (para sayo)

Kasabay ng aking muling paglitaw/ ay ang pagpapakawala at pagbitaw/
ng mga salitang nais kung sabihin sayo ng pasigaw/
upang maintindihan mo at tumatak sayo ng palinaw/
na oo mahal kita minahal kita at mamahalin pa kita/
ng walang kundisyon/ at kung dissyon/ sa sarili ko di ko na kasalanan/
kasi ang misyon/ ay ang malabanan/ ang kahinang pinaglalabanan/ 
ng utak at puso sa babaeng pinaglalaanan/ 
ko na pag ibig na punong puno ng pagmamahal/
na siyang kasama sa bawat panalangin ko/
sakaling ang mag ka gusto ko sa akin ay alanganin to/
sana'y alalahanin mo/ na di man ako ang lalakeng pinapangarap mo/
handa akong maging ganon kung yun ang hinahanap mo/
bigyan mo lang ako ng pagkakataon/ at pagnagkataon/
makikita mo at mararamdaman mo kung gaano ka sa akin kahalaga/
ikaw ang pag ibig na walang katapat na halaga/
subalit nung mga oras na ako'y sigurado ng magtatapat na/
saka ko na lang nalaman na mahal kana pala/ (sanay ako na lang)

No comments:

Post a Comment