Search

Tuesday, September 16, 2014

Di Maamin - Spyker One, Hush One & Flict G (13TH BEATZ EXCLUSIVE)


Published on Sep 15, 2014
New Song 2014
Entitled:
DI MAAMIN
By Spyker One, Hush One & Flict G

Recorded At Vertical Brew Music
Instrumental Produced By 13th Beatz Exclusive

Lyrics:
Verse 1: (Spyker One)

Bakit nga ba kailangan ko pang
Pahirapan ang aking sarili
At bakit di ko masabi
Di ko maamin ang aking nadarama
At di ko magawang ibalin sa iba ang aking pagtingin
Ayoko naman na ipagtulakan mo
Sa akin ikaw ay lumayo
At pwedeng pakisabi nalang sa kanya
Na sya ang nais kong masungkit na bituin
eh paano na kung may kahawak kamay ka na
Sa tuwing sayo ay lalapit di ko maiwasan na magalit
Diba FLICT alam mo naman na tanging sya lang
Dahil nga sa takot na masira ang tamis ng pagkakaibigan
Mas pinili kong itago
Itinanim saking dibdib
Kesa naman umiwas ka
Mas lalong di ko yun makakaya
Bakit ba
Ba-ba-ba-bakit nga ba
Di ko magawang sayo itoy maamin

Chorus: (Spyker One & Flict-G)

Tanging ikaw
Lamang ang gustong masuyo
Bakit ba di
Maamin ang laman ng puso
At kahit na nga
Kaibigan lang ang turing
Mahal kita hindi ko man sabihin
Tanging ikaw
Lamang ang gustong masuyo
Bakit ba di
Maamin ang laman ng puso
At kahit na nga
Kaibigan lang ang turing
Mahal kita hindi ko man sabihin

Verse 2: (Hush One)

Na ikaw ang tinitibok ng puso
Ngunit hindi ko lang maamin
Baka bigla kang lumayo
Dahil nga hanggang sa kaibigan
Malabo na yatang magka-ibigan tayo
Paano ko ba maipapadama ang pagmamahal ko
Araw-araw laging nasa isip
Tayo na nga sa aking panaginip
Ngunit panaginip lang 
Sana nga magbago na ang ihip ng
Hangin di maamin ang damdamin
Pilit tinatago
Panalangin mapasakin ka
Kahit na malabo (oooooohhhh)

(Repeat Chorus)

Verse 3: (Flict-G)
Alam ko wala sa lahi namin ang pagiging torpe
Ngunit kapag nakita ka na singbilis na ng kotse
Ang tibok ng puso kong
Ito tapos hindi makalunok ng laway kahit konti
Namumutla kahit panandalian lang
Buo agad ang araw kahit tanghalian lang
Ang lumipas teka sandali nalang
Akoy napapa-hi parang naka tsongke
Suklian mo naman ako ng hello
Okaya naman my friend what's up hey yo
Di naman siguro masama na kaibigan
Ang pagtuunan ng pansin at naibigan
Walang pake kahit ikaw ay napapaligiran
Ng mga manliligaw at poging kalalakihan
Di ko man masabi sayo ng harapan
Alam ko balang araw tayo rin naman ang magkakatuluyan (ah)

(Repeat Chorus)

No comments:

Post a Comment