Search

Sunday, October 26, 2014

Random Interview: with CrazyMix by Asha


Isa si Crazymix sa matunog na pangalan sa local hiphop,
from fliptop to his own tracks, to Blind Rhyme to
Crazy family, he's active, motivated still willing to learn
and love the industry as a whole, nakausap sya ni Lady PHS Asha Mojica
ano nga bang napag usapan nila? read below:

*note Cover picture belong to si Arlo Angeles
edited by: Me


Asha: Why do you chose your A.K.A? What does it mean?

Crazymix: Crazymix kasi grupo namin Crazy family. dati uso sa grupo namin yung may mga Crazy sa unahan. si basilyo aka crazy deyb, si crispin aka crazy zapp, crazy plo, crazy chat, krazy kyle, krazie bone crazy frog hahaha.. pero ang una kong plaka is Poging Bagsik kasi pogi ako dati e. joke KYZER talaga rap name ko nung unang limang buwan akong nagrap bago ko maging Crazy Family.. tas sabi ni kuya Deyb aka Bassilyo gawin mo kayang Crazy mico, o Crazy miks.. miks kasi tawag sakin.. tas nakita ko sa drawing ng pamankin ko na grade 1 nung pinadrawing sya ng mga family members nila nakalagay dun Tito MIX natawa ko ginawa ko ng ganun spelling. 



Asha: How did you get started with Hip-Hop? Do you think this genre will last or will people get tired of it? Who were your music influences?

Crazymix: nagsimula ko mag Rap bata pa ko mga 3yrs old kinakanta ko na yung mga kababayan ni FRANCIS M. at humanap ka ng pangit ni ANDREW E. tas nung grade school days lagi kami nag rarap ng kuya ko. sya talaga yung mahilig mag rap. samin nga nauso yung "MIB ang aming tatak isinilang kami sa dugong hiphop."  haha tapos lagi ko pinapasulat sa kuya ko yung mga nirarap nila para kabisaduhin ko. nagsimula na kami makinig ng ghetto doggs, death threat, pero palihim pa namin pinapakinggan yun sa walkman at cassette kasi may mga mura sisirain tape namin nun pag nadinig ng matatanda. haha tas nung first year high school ako. sinusulat ko yung verse ni GLOC-9 idol ko kasi sya ang bilis nya mag rap.  sinusulat ko yun habang nag pause, rewind, play sa cassette habang naka earphones bago matulog kahit mapuyat ako, kahit may pasok bukas. tas pinapakinggan ko paulit ulit yung verse nya iniimagine ko na sikat na rapper na ko kinakanta ko yung verse nya sa harap ng madaming tao. iniimagine ko ako yung bumibitaw ng verse na yun. at ngayon kumakanta na ko sa harap ng madaming tao kinakanta ko na lagi sa simula yung verse na yun.. kung napapanood nyo sa mga video  yung verse na yun kay GLOC-9 yun nung DEATH THREAT days nya pa. yun yung dahilan kaya kinakanta ko yun. nalaman nga ni kuya ARIS yun e. sabi daw nya kay SMUGGLAZ si mix kinakanta verse ko pinabilis nya hehe.. di ko lang masabi na yun yung dahilan lol.. maiba tayo ulit. ayun nung high school na pag walang teacher sa room nag rarap kami ng mga classmates ko at school mates ng mga verse na kabisado namin at dun ko napagtanto na ako lang nakakagawa ng mga verse ni gloc 9 malinaw ko nabibigkas. elibs sila lahat sakin.. hahaha dun ko natuklasan na may kakaiba kong dila jkgheuihjkcvndhwoevhjsdknvhu- TRIPLE TIME lol. tas nung 2nd year ako namatay yung kuya ko na mahilig sa RAP ipinagpatuloy ko lang yung pangarap nya kinarir ko na talaga. actually dancer yung kuya ko at rapper kaya nag dancer din ako nun pero mas minahal ko yung pag raRAP. kasi gusto ko din naman talaga..tapos madami ng RAPPER sa school namin mga kabarkada ng SALBAKUTA. ang titikas pumorma parang mga gangster sa america talaga tas pag dumarating sila nagbubulungan mga tao, uy mga rapper yan.parang ang cool pakinggan.. pero pag nadidinig ko sila mag rap napapaisip ako mas magaling pa kuya ko diyan mag rap e. (kung nabubuhay lang sya) tapos sa subjectl namin sa filipino pinapagawa kami ng tula e nadidinig ko sa mga rap lagi "ITONG TULA NA TO"  naisip ko may rhyme yung tula tuladng rap naisip ko na parehas lang siguro gumawa ng tula saka rap. ayun 100 ako lagi pag pinapagawa kami ng tula hahaha natatapos ko agad yung tula ng 5mins. tapos nagpapagawa na mga classmates ko sinisingil ko ng bente hanggang di ko namamalayan buong classmates ko na pala nagawan ko ng tula pasado lahat haha nakadagdag sa pambili ko ng AIR FORCE ONE uso kasi nun pag rapper ka naka ganung sapatos, CORTEZ saka K-SWISS. at ito pa, may teacher kami na makulit sa filipino pag nalate ka sa subject nya pagsasayawin ka o pag rarapin ka sa harap. ginagawa namin ng classmate ko si CHRISTIAN TATEL na mahilig din mag rap at pamankin ng GUIDANCE TEACHER ng school ay nagpapa- LATE talaga kami para makapag RAP haha hanggang 3rd year na kami pag may nag rarap sa 2nd year pinapatawag pa kami nung teacher namin sa filipino para lang labanan ng rap yung mga bago nyang estudyante haha kulit diba??  nagsimula din nun yung RAP-PUBLIC days nanonood ako lagi nun. kausuhan na ng mga RAP na may kanta sa koro. hanggang RAP-PUBLIC 2 sumali yung CRAZY AS PINOY daily pa lang to ah. nadinig ko silang tatlo PUCHA kakaiba. 



"UNANG BESES KO KINILABUTAN SA RAP" parang may kakaiba sa kanila. sinubaybayan ko sila hanggang finals at sila nga yung nag CHAMPION. tas nababalitaan ko na sumasali sila pag rap contest sa katabi naming brgy. tapos nag sulat na ko ng rap nun ang unang kanta na nasulat ko yung "HUDYAT SA KABATAAN" anti drugs na rap kasi kinanta namin yun una sa LIBRARY e  sinali ko sa song writing contest. tapos pyesta na samin. unang beses ko sasali sa rap contest kasama mga kagrupo ko na si TATEL (na classmate ko) at iba pang school mates namin (na kapitbahay ko) may cd ako nun ng live sa EAT BULAGA performance ng CRAZY AS PINOY lagi ko pinapakinggan yun, pampagana kasi kinikilabutan pa din ako kahit ilang beses ko pakinggan. bago umakyat ng stage pinapakinggan ko yun sa disc man ko para hyper ako pag akyat. pucha ang kumakanta bago kami ay yung GWAPITOS bata ng CRAZY AS PINOY na laging CHAMPION sa mga RAP CONTEST na finalist ng RAP-PUBLIC JUNIOR  inisip ko "ok lang yan may 2nd place pa naman e" at ito kami na yung kakanta (actually madami ko sinalihan ng gabi ng pyesta na yun dalawang dance contest at isang rap contest. kaya medyo pagod na ko bago yung rap contest)  after namin mag RAP sigawan mga tao iniisip ko yes rapper na talaga ko kasi nag RAP na ko sa stage e tas nagustuhan pa nila yung sarili kong RAP mismo. kaso ito ang matindi parang pelikula ang kasunod naming contestant ay ang mga idol ko.. "CRAZY AS PINOY" nawala na sa isip ko manalo basta mapanood ko sila ng harap-harapan hahaha. ayun kinanta nila yung PANAGINIP. 




champion GWAPITOS 2nd CRAZY AS PINOY 3rd yung mga dayo na wala daw pamasahe pauwi galing laguna. ok lang kahit di kami nanalo nakamayan ko naman sila. si ZAP pa yung naapiran ko ng matagal nun longhair pa si CRISPIN nun. kasi si BASSILYO may kasamang GF kaya nauuna lagi at si SISA kasama bf.. paglipas ng isang linggo  nabalitaan ko na may RAP CONTEST sa CONCEPCION MARIKINA na JUDGE ay CRAZY AS PINOY at isang taga EAT BULAGA. dumayo pa talaga ko nun kasama yung isa kong kagrupo nakita ko na naman CRAZY AS PINOY nun. late kami last contestant kami nun pero nanalo kami ng 3rd place nun. bigay todo ko sa pag raRAP nun. hanggang nung pauwi lumapit sakin si ZAP aka CRISPIN sabi ito MICROPHONE MASTER to. may potensyal ka. tas mga ilang araw sa tambayan sa CUBAO may pumuntang tropa namin na kakilala ng CRAZY AS PINOY pinapahanap daw ako ni kuya Deyb aka BASSILYO may potensyal daw ako isasali daw nya ko sa EAT BULAGA. dun ako naging CRAZY FAMILY. alam nyo na kung bakit kumukuha ko ng mga rapper na gustong matuto at mga baguhan na gusto mag rap? kasi ganun din ako dati ipinapasa ko lang bilang ganti sa pag tulong sakin ng CRAZY FAMILY ayun malawak na kami ngayon. at sana maipasa din nila sa iba...   tingin ko sa tagal ng paglalakbay ko sa HIP-HOP ang mga tunay ang di magsasawa at habang buhay na magmamahal dito... 

Asha: What would be your dream collaboration with any rapper or producer?

Crazymix: ahhm natupad na e ito oh


saka ito

nakapartner ko pa nga sa DOS POR DOS e. hehe kagrupo ko pa ngayon.

Asha: Since there are so many great Street Hip Hoppers, what determines who gets to the top?

Crazymix: ang mapapayo ko lang sa mga street hip-hoppers o rappers mahalin nyo lang at huwag kayo susuko. at huwag kayo mang aagrabyado ng tao lalo na sa mga tumutulong sa inyo. walang shortcut sa pag angat. dinadaanan na proseso yan araw-araw.. masaya ko na nakikita ko na marami ng RAPPER now. marami na din EVENTS, RAP CONTEST, RECORDING STUDIO na mas napadali para sa mga rapper ngayon. di tulad dati na talagang pahirapan kami. at ngayon nakikilala na mga underground artists ..

Asha: How do you separate yourself from other artists?

Crazymix: di ko alam hahaha.. bawat artists naman may iba-ibang paraan at style e..




Asha: What will they (Your Fans/ Supporter) expect from you? this year?

Crazymix: para sa mga fans, supporters, pisonet gangsters, haters. abangan nyo yung iba ko pang single ngayong taon at yung RIOT ALBUM malapit na. at iba pang Music Video bago matapos ang taon. :)


: Which one would you choose? :

Brief or Boxers? Brief
Coffee or Beer? Beer
Pizza or Tacos? PIZZA!!!!!
Liberated or Conservative? Conservative
Long Hair or Short Hair? Longhair
Island Hopping or Bar Hopping? Bar hopping at Island Hopping
Video Games or Biking?  Video Games
Single or Available? Single 
Movie Date or Picnic? Movie date
Knows how to Sing? or Knows how to Dance? Sing and Dance haha
Facebook or Instagram? Facebook.
Red or Black? RED!!!!!!

Asha: Give a shout out...

Crazymix: SHOUT OUT sa mga CRAZY FAMILY malamang yung iba sa inyo di pa alam yung istoryang to hehe .. sa BLCK MRKT kala Sir JAYDEE, Mam Pao tnx sa tulong saming mga BALIW. sa CRAZY AS PINOY, SISA, CRISPIN BASSILYO wag kayo maluha totoo lahat yan hahaha. sa mga kagangsta ko sa TBS 13, DPG. TEAM HOPIA,PUYAT RECORDS abangan ang ALAMAT NG MGA BALIW album.... ---- CRAZYMIX



---
Thank you for taking time in answering few questions about yourself
and about your career,
so much appreciated!
God Bless and More Power!

PHS,
Asha Mojica





1 comment:

  1. Crazy mix group nya sa crazy FAM is madd playaz with lyrical at Alexis. . nag flashback tuloy sa utak ko ang oldskul days todo suportahan pa crazyfam 187 at repablikan..
    Nice interview I enjoyed reading

    ReplyDelete