Search

Sunday, October 26, 2014

Hari - Frank Magalona


It's not actually new but im so into it right now.
I think the rightful descendant has come. 

Published on Dec 11, 2012
Hari by Frank Magalona http://frankmagalona.com/

Ikaw parin ang hari kahit anong mangyari ibang klase kang narra talagang wala ng uubrang lagari sa makatang natatangi ikaw ang huwaran palagi ng mga bata sa kalsada mga manong at ale'y nagkandarapa sa pagratsada ni Kiko sa "Bagsakan", "Mga Kababayan" na nasilayan ko doon sa lansangan sabi nila "sayang napilayan ang musika ng bayan, sayang parang nawala ang susi sa'ting kalayaan" mula dekada nobenta bumenta ay teka nakalimutan kong isama ang petsa hindi ko na pala maalala ang tiyak na araw ng pagbenta, sa libo-libong casette sa dami ng hapit maraming naibalik sa tumangkilik sa unang hit, pinaliguan niya ang may anghit binago ang buhay ng mga yagit nilagyan pa ng kulay ating daigdig at ang dating mapungay na paniningin ay nahukay mula sa lantarang lagim binuhusan ng tubig ang bagong tanim ng mga liriko at gitara na din bago pa bumalik ang kagat ng dilim ilang barra na din ang nagpatibok sa puso natin kasabay ng hangin pinakamalakas na tama parang bang iskwinala mula sa pagputok ng mga bala ng kaniyang likha na samahan mo pa ng adhikhaing kumapit na parang linta sa ating kathang pagkain isalin sa utak natin at huwag kalawangin 'yan ang tanging dalangin ng pambansang makatang nasa langit... Isalin sa utak natin at huwag kalawangin 'yan ang tanging dalangin ng PAMBANSANG MAKATANG NASA LANGIT.

Mare pare pare mare pare saan na ba talaga ang daan anong kalye kailangan kong mahanap ang koronang may diyamante ako'y napagutusan lamang ng tanyag na hari... Manong ale manong at ale, ale saan na ba talaga ang daan anong kalye kailangan kong mahanap ang koronang suot niya dati laganapan ang paghahanap para sa ating hari.

Ang mga iniwang talata ng kayumangging makata ituring nating mga kataga't abakadang nakatala sa pisara na siyang pagaralan sana ng ating kinabukasan mga batang bagong salang, ating pag-asang inaasam ay di malayong matamasa kung mataas ang tiwala sa sarili at sa kapwa huwag mabahala ang katiwala mo ay si Bathala ang may sungay ay walang laban kung ikaw ang pinagpala basta ikaw ang nasa tamang pag-iisp, ang disiplina'y liwanag mo sa dilim, hindi ka mahina 'pagkat ang paghinang sa utak mo'y parang sa makina din, anong kayang gawin ng mga salarin kung ang titig mo'y sing-talas ng patalim, at ang mga labing nakatikom, sa guni-guni nila'y mayroon na ring patikim ng mga salitang ibinibigkas tuwing nagdidilim na ang ating paniningin, tatagan ang loob at lumaban na din sa mga tao na dapat lang puksain, hahayaan mo ba na ika'y tuksuhin na isang pambihirang matatakutin? Kailangan mo'ng maipakita ang tapang kundi sa kangkungan ka dadamputin ng mga parak diyan talamak ang paghuli ng mga may tiyan sa mga habuling salot ng bayan mamalayan ka nga at iwasan ang mga talangka, yan ang binitawang salita sa akin ng makatang bihasa, at sapul sa simula pumasok ang mga akda mula saking pagkabata hanggang sa pagkabinata hanggang saking pagtanda na, ito'y sadya ng tadhana, walang hangganang paghanga, MASAGANA SA MGA OBRA MAESTRA ANG KANIYANG PANGALAN. Ano pang naiisip mong iharap pa dito? Wala nang tatalo sa mga panalong pambato ni KIKO MAGALONA, IMPOSIBLENG MAGKAROON NG PANIBAGONG MAY KORONA SA MAY TRONO'T NAKAPORMA.

No comments:

Post a Comment