Search

Monday, September 8, 2014

Random Interview: with KIAL by Asha


Isa sa mga artist na hindi ko pa nakakausap at nakikilala ng personal ay
si sir KIAL, pero kahit ganun may respeto ako sa kanya dahil narin siguro
sa ibang style ginagamit nya, mga malalamim na salita at ibang word play.
sadly hindi ako ang nakapalitan nya ng interview but my partner in crime Asha
ano nga bang napag usapan nila ni Lady PHS? basa basa below: - PHS


ASHA: Why do you chose your A.K.A? What does it mean?

KIAL: Kasi halos lahat ng kakilala ko noon ang hahaba ng alyas, yung iba may numero sa gitna at dulo, ang hihirap bigkasin kaya nag-isip ako ng madali lang. KIAL, pinaikling Kid from Almario. Almario, kinalakihan kong lugar sa Delpan, Tondo.

ASHA: How did you get started with Hip-Hop? Do you think this genre will last or will people get tired of it?

KIAL: Nagsimula ako '97, nakapakinig ako ng rap, tuloy-tuloy na 'yun, nagkaro'n ako ng kaalaman, nahiligan ko at minahal. Walang hanggan ang musika at ang rap ay musika. Kung lulubog man ay lilitaw pa din dahil nand'yan lang 'yan.

ASHA: Who were your music influences?

KIAL: Michael Jackson and many more


ASHA: What hip-hop albums did you grow up listening to?

KIAL: The Score ng The Fugees, Greatest Hits ni Tupac, Temple of Boom, IV at Stoned Raiders ng Cypress Hill, Wu-Tang Forever at Iron Flag ng WTC, World Domination ng T6M, Art of War ng BTNH, Absolute Power ni Tech N9ne and many more

ASHA: What would be your dream collaboration with any rapper or producer?

KIAL: Ang Collabo ng ShockRa at Tech N9ne, Napanaginipan ko. Totoo.

ASHA: Since there are so many great Street Hip Hoppers, what determines who gets to the top? So, what are your thoughts on the current state of the game?



KIAL: Wag mahiyang ipakita ang talento at ipakita ang talento sa maayos na paraan, maging aktibo, maghintay ng pagkakataon at tamang oras at maging totoo sa pakikisama. Kung mabuti ka at may husay ka talaga, mapapansin ka at iaangat ka nila.

ASHA: How do you separate yourself from other artists?

KIAL: Ako'y ako at sa paggawa, binibigay ko kung ano ang kailangan hindi 'yung kung ano lang ang gusto.

ASHA: What do you usually do aside from Writing Songs and being a Rapper?

KIAL: Ako'y isang Editorial Cartoonist sa isang Tabloid, ginuguhit ang tunay na imahe ng mundo. Pag may libreng oras, nagbibisekleta, minsan nagbabasketball at madalas magpalamig sa Esem. Ako'y ama ng aking nag-iisang anak.


ASHA: What will they (Your Fans/ Supporter) expect from you? this year?

KIAL: Music Video ng bago kong kantang may pamagat na "P" bahagi ng ginagawa kong album na bago. At marami pang paggalaw katuwang ang Partners in Rhymes Production at mga Ex187. May Clothing din ako, ang Freetime na may mga disenyo ng kawirduhan na matatagpuan sa HERO Pinoy Street Apparel Shop sa Tutuban Mall.


Which one would you choose?

Brief or Boxers? Brief
Coffee or Beer? Beer
Pizza or Tacos? Pizza
Liberated or Conservative? Liberated
Long Hair or Short Hair? Short hair
Island Hopping or Bar Hopping? Island Hopping
Video Games or Biking? Video Games and Biking
Single or Available? Single
Movie Date or Picnic? Picnic
Knows how to Sing? or Knows how to Dance? To sing
Facebook or Instagram? Fb
Red or Black? Black

Shout out to Alfred Tats (Lucena Ink), B-One-S, Pareng K8S (Castle Bernardina Hotel), Boogie (BBM), Q (SFInk), MBB.

before we end it soundtrip ka muna:



No comments:

Post a Comment