Search

Thursday, July 10, 2014

Puso'y Dos - Verzikhulo


2014
Lyrics
Hook:
Birador/Trez:
Di ko sinasadya 
ang magmahal ng iba
(pinipilit kong limutin sya pero di ko kaya)

Gusto kong iwasan sya
pero di ko magawa
(pinipilit kong limutin sya pero di ko kaya)

SharpCrease:
Litong lito, nahihilo todo kakaisip na
naiirita na di ko maipinta ang larawan na
pilit pinapakita sakin ang pusong nag iilusyon
may mahal nako ngunit puso'y iba ang binubulong
biglang tumibok na di mapigilan nung aking nakita sya
tuksong biglang kumapit sakin tila di ko maiwasan na
layuan ito, kalimutan to
storyang hindi inaasahan ngayo'y nasa libro ko
ni hindi ko magawang pumili at ipilit ang sarili
kahit nagsisisi na muling umibig sa isang babae
na biglaang dumating kahit ako'y naangkin
ang hirap tanggapin na di sya mapasaakin

Listero:
Di ko maiwasan na, pigilan ang sarili ko 
na mahalin ko ang dalawang babae sa mundo
na di akalain na, pinagsabay ng tadhana
sa puso kong nag-iisa
masakit mang isipin, kailangan ng pumili
kung sino man sa puso ay dapat na manatili
di ko to ginusto, ang manakit ng husto
sana hindi na lang ako muli natukso
sa mga ngiti at tawa sa mukha ng isa
sa mga lambingan, kulitan, at saya
di ko sana pinabayaan ang pangyayare
at ang utak ay ginamit at ang puso'y di sinali

Salbahe:
Nagumpisa ang tahanan para bang pelikula 
Romantikong pagibig may konting nabibigla 
Unti unti nag hiwalay ang mga pangarap 
Humihirap ang desisyon baka hindi na toh matanggap 
May nagbago may pumasok sa eksena 
Nagpalit ang titolo Naging bida ang dating extra 
Komokontra na ang mga boses sa isipan At, 
Di na maisukat nagiipon na ang lahat 
Gusto lang masabi na ayaw na Na di kaya 
kasi meron ibang sya at walang pa dramadrama 
At Wala na kailangan taposin kalokohan 
sarado na ang pahina nang storyang pinasokan

Birador:
Hindi ko inakala ganito sa akin ang mangyayare 
Ang mag mahal ng isa bago sa iba madadali 
Ang aking attention, I know mali ang action 
Ngunit ako ay tao lang meron din imperfection
Mga hadlang na dumating ay kinakaya 
Pero ang saktan sya ng lubos hindi ko kaya 
Wala sa plano na sa iba magka gusto 
Pero di ko mapigilan sadyang akoy nalilito
Pagkat mahal ko sya, alam to ng damdamin 
Ngunit ang sabihin ang totoo di ko ma amin 
Nahihirapan at kinakapos sa hininga 
Sino ba ang pipiliin yung isa ba oh siya

SVN:
bakit ba sa tuwing naiisip ko sya 
mga letrato nya ang utak ko hindi yung isa 
bakit ba puso ko sobrang wili 
imbis na iisa lang dalawa ang pinili
anong klaseng kakomplikaduhang ito 
problema ko parang pag-ulan ng bato 
lahat masasaktan pagkatao ko sinisira ako 
araw-araw nalang parang nanghihina ako
pero bakit hindi ko mapigilan hindi ko maiwasan 
hindi ko matigilan wala na bang lusot ano pa bang paraan 
lahat ng daan purong pababang hagdan
konsensya at saya panay panay ang pagtatalo 
mali at tama kaliwa't kanang pumapalo 
sa pag-iisip ko na ngayon hindi na purong puro 
matutulog na lamang baka bukas maging klaro ang lahat

Trez:
Ang babae, alam nilang walang iwanan
parang buhay na di pwede palitan
at dapat isa lang, at dapat isa lang
ang babaeng kailangan
pero nung nakita ko sya
di ko na alam kung ano ang syang nadama
ng puso kong ito, isip kong lito
sino talaga ang boto nito
feeling ko tuloy in love ako ng first time
parang gusto ko na ngang sabihin na she's all mine
sa tuwing na lang sya'y ngumiti eh
puso'y nga'y humahapdi hey
bakit kasi nga mali
talagang mahirap di to madali sandali
ang mahalin sya'y kalimutan ko na lang
kung hindi ko magawa, itatago ko na lang sya
itatago ko na lang sya
ang mahalin sya'y kalimutan ko na lang
kung hindi ko magawa, itatago ko na lang sya

No comments:

Post a Comment