Search

Wednesday, August 22, 2012

"UNOS" NICA x SEVENES (NEW SONG 2012)


Link to Download for Free: http://www.mediafire.com/?e9t8ifky8659rt5

"Unos" NICA x SEVENES

Lyrics
"Unos"
Written by NICA and SEVENES

Intro:
Heto na naman

Sevenes:
SEVENES (first verse)
Yeah, Eto na naman tayo, kailangan mo ng malaman
huli na ang lahat, sobra na.. di makayanan
sa nangyayaring ito binali wala mo lang
kasi ngayon ko lang nararamdam,
ang mga bagay na ganto ang sakit masaktan
ang dulas ng pag-ibig, ang hirap di mahawakan
ano aking kailangan, lakas-loob at tapangan
na sabihin sayo, hindi ko na ito kailangan..

Nica 1st Verse:

Di mapakali
Nabubulabog ang likod ng pag-iisip ko
Araw at gabi
Natatangay ang pananalig ng isang bugso

Ng iyong ngiti
Di mapigilang tumugon sa kidlat at kulog
Hindi masabi
Kung kailan pa huhupa 'tong bagyo

Chorus:
Heto na naman
Ang pagdating ng bagong unos
Ginagambala ang puso ko
Mga damdaming nilimot ko
Ginising ng pagbuhos mo

2nd Verse:
Damang-dama na
Mga epekto ng pananalasang dulot mo
Wala nang ligtas
Lahat ng binaong damdamin ay hinukay mo

Giniginaw
Sa pagkawasak ng kapayapaan sa loob ko
Nagtataka
Kung ba't pabalik-balik 'tong bagyo

Chorus:
Heto na naman
Ang pagdating ng bagong unos
Ginagambala ang puso ko
Mga damdaming nilimot ko
Ginising ng pagbuhos mo

Sevenes (second verse)

Wala na, wala na tayo, wala ng pag-asa
wala kong magagawa, ayoko na pang umasa
wala na di na pwede, iiwan narin kita
sa isipan tanggalin, sa puso itapon na
sayang ang pagmamamahal kong binigay nagbago na
nanghihinayang sa panahon, di mo ba nadama?
binuhos ko kaluluwa, maging tapat at sundin ka
wala akong ginawa, kung di purihin kita
di gaya ng iba, may ibang babae pa nga sila
ako ay tapat sayo, hindi nangangaliwa
ikaw lang walang iba, ikaw lang mahalaga
ngunit sinira mo ako, hinawakan ang puso ko
hindi inalagaan, sinaktan, sinugatan ito
pinasabog, pinag-laruan, winasak mo ang damdamin ko
hindi na biro ito, hindi na tama!
bakit nag ka ganito ako'y sawa na! 

Nica Bridge:
Lahat ng aking hangarin
Panalangin at pangarap
Nilalantad ng langit
Ng namumulang alapaap

Dumating ang bagong pag-asa 
Sa anino ng iyong yakap
Ngunit kailan ito titila't
Papalitan ng pangungulila

Lahat ng aking hangarin
Panalangin at pangarap
Nilalantad ng langit
Ng namumulang alapaap

Dumating ang bagong pag-asa 
Sa anino ng iyong yakap
Ngunit kailan ito titila't
Papalitan ng pangungulila

Chorus:
Heto na naman
Ang pagdating ng bagong unos
Ginagambala ang puso ko
Mga damdaming nilimot ko
Ginising ng pagbuhos mo


No comments:

Post a Comment