Search

Sunday, April 22, 2012

When A Sampled Heart Beats - Zikk


Title: 02. When A Sampled Heart Beats
Artist: Zikk [Skwaterhawz]
Produced by Dreh
Exsakto ENT. Music Volume 2 Mixtape

Exsakto Entertainment Facebook:http://www.facebook.com/exsaktoentertainment
Zikk's Fanpage: http://www.facebook.com/pages/ZiKK/304995749057
Skwaterhawz Fanpage:http://www.facebook.com/SKWATERHAWZofficialfanpage


LYRICS:

Verse1
kaya naman sinubukan kong unahang patayin ang pag ibig pero..
love will never die kahit naging paralisado
at di yan mapapatay ni panday parang lizardo
babalik yan para manakit at garantisado
d mo mapipigilan ilang beses ka mang ginago
titibok pa rin ang puso parang di rin natuto't
mangangarap pa rin ng makakapiling sa dulo
kase walang gisingan sa pananagip ang puso
subukin mang guluhin ng isipang malimit nasuko
madurog man sa pagkahulog e nabangon natindig
ang pusong ginugustong sumulong sa bagong daigdig
kaya kahit mabalot ng lamig,takot at nginig
e nalambot ang dibdib pag napasok ng kilig
at tayoy nabilib ulet sa tarantadong pag-ibig shit...

Verse 2
tanong,paano mo papatayin ang pag ibig kung binubuhay to ng puso mo?
magpapanggap ka ba na di makadama
para pabatid mong astig ka at manhid ka talaga?
tang ina ka mag-ingat ka baka pag pinakaba ka
ni kupidoy maging stupido kat pinakatanga
kase pag di ka pa handa saka ang tuso'y nasalakay
at malabo kang manalo pag ang puso'y nakaaway
mababago ang yong planong gusto'y makalaway
lang dati't ang babaeng nadaley gusto'y makaramay
habang buhay at makakapagbitaw ng pangako
nabulag ng true love kaya walang linaw at malabo
ang takbo ng buhay kaya ligaw pag naglaho
ang inibig,nanaig ang pag ibig at ikaw ang natalo
sa huli kaya muli mo tong isusumpa
magkakaron ka ng tanong,at iyong isusumbat na..

Verse3
alam mo kung bakit?
kase may ibang hibang na ibang manindigan ang puso't
kinakayang ipasan ang matindihang pagsubok
at hindi ang pagsuko ang sinasagot sa hamon
at ang hapdi ng pagsuyo,di ginagamot sa love song
mas pinapakinggan kesa paringgan ang minamahal
at ang magbalikan ang palagiang dinadasal
kaya mga natawang natawag ng tanga't inaasar
silay naiyak ng nakita silang kinakasal
kaya kung may mahal ka dapat tama na itrato
bago sya maglahot maging alaala na litrato
pasalamat sa pag-ibig wag puro lang reklamo
ipaglaban at ingatan ang nasa puso na regalo
exsakto!

No comments:

Post a Comment