Search

Tuesday, April 10, 2012

KASAMABA AKO? - Doughboy Quentiztah




Kasama ba Ako?
Artist: Doughboy Quentiztah
Album: Piling Sikat
Produced by: Ylan of Indistrit for MC.COM Studios


Ako ba na ang tiwala ng madlay binili at ang inutang sa bulsa ko sinubi?
Nangingibabaw ang katwirang tabingi, nabibingi, pagkat mga rosas daw ang lumalabas sa aking labi?

Ako ba na syang pag asa ni Rizal? Na mas pinili pa ang tumambay kesa sa magdasal?
Sa mundo na hindi patas ito ang kumpisl, sa masalimuot na buhay mahirap ang maging banal.

Ako ban a sinapian ng espirito? Nasilaw sa ilaw at sa lasa ng ng paborito mo
Nalunod sa kahahabol ng nawawalang saya, nagpaanod at nagpadikta

Hook
Kasama ba ako sa mga dapat sisihin? Kasama ba ako sa mga dapat sagipin?

Pera pera, papel at mamera. Saan ka nagmula? Paano ka ginawa?
May basbas ba ang dila ng taong lumikha, kaya papel ay meroong halaga?
Utang ng utang hanggang sa ikaw ay mabaon, ang kikitain mo bukas nagastos mo na kahapon
Ang interes ay patong patong sino ang kumita? Tanong kapa? Eh di yung gumagawa ng pera
Mabuti pa si Ceasar, gawa sag into, pambili mo ng grocery pambukas ko ng pinto
Ground zero ba ang susi? Hindi naman siguro, kelangan lang imulat ang mga mata mo

Hook

Ako ba na sa buhay ay kapos? Ang desisyon sa buhay ay nagging padalos dalos
Lagging hikahos, walang laman ang bulsa kaya nabuo sa sarili ang mga maling pasya

HOOK

Pengeng piso sa bawat masama na nakikita mo ngunit nanahimik at nag sawalang kibo
At piso pa kung dahil lamang to sa takot mo, naang sarili mong mundo ay gumuho

HOOK

No comments:

Post a Comment