Search

Thursday, February 21, 2019

Random Interview with Papa Rap


There’s this one time na naglalakad ako, nakakita ako ng isang lalaking puro tattoo, kinakarga nya yung baby nya para paarawan sa umaga, hindi ko ito na picturan pero it stuck to my mind dahil bumilib ako, bumilib ako to the idea of being a father, minsan even graduating sa mga nakasanayan nating gawin just to be a better parent is amazing. Dahil dito naalala ko ang isang Tatay ng batang artist na si B Yhelle, artist na nagpasikat ng kantang “Atab lang” binaligtad na salitang “Bata” na napapanahon dahil literal na bata pa si Yhelle, so bakit si Papa Rap ang ininterview ko at hindi si Yhelle? ito ay hindi dahil, mas makakasagot sya at mas maraming experience, kundi dahil sa pag mamahal at suporta ng isang Ama sa isang anak, sa pagpapa mana ng talento at hilig sa rap music.
Ano ano nga bang nagpa usapan namin? read below:
PHS: Ikaw yung daddy ng youngest new artist na si Yhelle tama? Pero you are the artist yourself?
Papa Rap: Opo ako ay artist din named Rapido
PHS: Bali san ka nagsimula sir? Meron kabang grupo na kinabibilangan, and anong kanta ang masasabi mong pinaka maganda mong gawa
Papa Rap: Marame po akong kinabilangan po dati pero mas nakilala or nagtagal ako sa Souljas Entertainment and which is po ang nagdala po ng kanta samin dun ay yung tugs tugs, Ngayon solo artist nalang ako, And i have my own label napo wc is Money Matters na dito napo napabilang ang anak ko and Eto narin po naging business lokal clothing line money matters clothing. Halos naging kasabayan ko po sila Smuglaz Flic-G Negatibo, Crazy mix, Crazy as pinoy under the name RAPIDO
PHS: How did you come up with the idea na gawing rapper si Yhelle? matagal na ba syang mahilig sa rap?
Papa Rap: Bata palang sya tyan, Nilalagayan ko headset tyan mommy nya,
Pinarinig ko mg kanta ko at mga hiphop songs. Rap songs, And sinasama ko sya sa mga events ko pag nagperfom po ako, Ganun ko po sya natrained.
PHS: So ibig sabihin pati si mommy ay hip-hop din? Hindi ba sila naging tutol sa ganun? Kamusta nman si Yhelle sa pag rarap?
Papa Rap: Opo hiphop din actually, kasama ko mommy nya sa isang track ko.
Iba sya sa pagrarap kase magaling sya magmemorize at sumbay sa tyempo
PHS: Sino bale ang naka diskubre sa kanya? is it your idea nung nakakitaan mo sya ng talento? or did someone initialize that idea?
Papa Rap: 3yrs old plang sya nangsumasabay na sya sa mga rap songs, Nag pe-freestyle na sya ng kung ano ano. Yung mga nursery rhyme ginagawa nyang rap. Tapos nung nagaral na sya magaling sya magmemorize
PHS: WOW! pero itong “Atab lang” lang obviously you compose it for her, meron ba syang input dito or mostly iyo lahat.
Papa Rap: Akin po lahat
PHS: And did you expect na kakagatin ito ng mga rap fans?
Papa Rap: Di lang sinasadya yung “Atab lang” Kase nung sumali sya sa tula
Nakita ko na pwede ko sya gawan, so I try it out mag sulat, Hindi ko expected kase its an trial palang sa kanya, Mahilig talaga sya sa musik.
PHS: Anong pakiramdam ng parang biglang sikat si Yhelle?, ayos lang ba sa isang “Papa Rap” na mas mapansin si Yhelle habang ikaw naman ang nagsulat nito? or do you feel like this is passing of torch to her?
Papa Rap: Parang ganun na po pamana, Kasi nakakatuwa sa dame ng tinanim ko sa rap scene or mga pinagdaan ko sya npo lahat ng umaani, Sobrang proud ako sa kanya, babae pa po sya, kaya iba talaga.
PHS: From Rapido to Papa Rap? how did you come up with the change of rap name?
Papa Rap: Rapido sya yung oldschool rapper nung dati na kahit pano napansin at nakilala narin sa underground si Papa rap is may real name na binaligtad ko lang sur name ko papa and my real name is Ralph, and parang nag timing lang nung nag kaanak ako na dumiket na ang papa rap. Sabay lumabas na si atab byhelle
PHS: Whoooaaa that’s creative, so what can we expect from Papa rap and Yhelle in years to come?
Papa Rap: Mas magbgay pa ng inspiration sa mga parents nasa same line namin na sa pamamagitan ng music mabonding yung anak nila and create good and inspiring music para sa mga nagmamahal sa culture.
PHS: Now i will give you your moment to do your shoutout! Maraming salamat sa pagpapa unlak sir.
Papa Rap: Shout out po sa inyo PHS sa Money Matters clothing, Temple St., Mbpls, My friends and family, my wife Jhucell Aguilar and sa lahat ng mga supporters po ni B yhelle pls like share and subcribe B Yhelle, Papa, b yhelle atab lang. Salamat po Godbless us all
Isang ama na proud sa kanyang anak, willing ipamana ang lahat ng kaalaman, kasikatan, talento at pinaghirapan dahil sa pagmamahal sa kanyang anak is always something worth writing. Something worth na ma feature, because this is not just about music, it’s about love and life. – PHS
  • Special thanks to Papa Rap sa pagpapa unlak sa interview, pictures was given by him
  • Cover (featured image) by: Pao Larawan visit his Facebook https://www.facebook.com/wowie.pao

No comments:

Post a Comment