Search

Showing posts with label Crazy Family. Show all posts
Showing posts with label Crazy Family. Show all posts

Sunday, October 26, 2014

Random Interview: with CrazyMix by Asha


Isa si Crazymix sa matunog na pangalan sa local hiphop,
from fliptop to his own tracks, to Blind Rhyme to
Crazy family, he's active, motivated still willing to learn
and love the industry as a whole, nakausap sya ni Lady PHS Asha Mojica
ano nga bang napag usapan nila? read below:

*note Cover picture belong to si Arlo Angeles
edited by: Me


Asha: Why do you chose your A.K.A? What does it mean?

Crazymix: Crazymix kasi grupo namin Crazy family. dati uso sa grupo namin yung may mga Crazy sa unahan. si basilyo aka crazy deyb, si crispin aka crazy zapp, crazy plo, crazy chat, krazy kyle, krazie bone crazy frog hahaha.. pero ang una kong plaka is Poging Bagsik kasi pogi ako dati e. joke KYZER talaga rap name ko nung unang limang buwan akong nagrap bago ko maging Crazy Family.. tas sabi ni kuya Deyb aka Bassilyo gawin mo kayang Crazy mico, o Crazy miks.. miks kasi tawag sakin.. tas nakita ko sa drawing ng pamankin ko na grade 1 nung pinadrawing sya ng mga family members nila nakalagay dun Tito MIX natawa ko ginawa ko ng ganun spelling. 



Asha: How did you get started with Hip-Hop? Do you think this genre will last or will people get tired of it? Who were your music influences?

Crazymix: nagsimula ko mag Rap bata pa ko mga 3yrs old kinakanta ko na yung mga kababayan ni FRANCIS M. at humanap ka ng pangit ni ANDREW E. tas nung grade school days lagi kami nag rarap ng kuya ko. sya talaga yung mahilig mag rap. samin nga nauso yung "MIB ang aming tatak isinilang kami sa dugong hiphop."  haha tapos lagi ko pinapasulat sa kuya ko yung mga nirarap nila para kabisaduhin ko. nagsimula na kami makinig ng ghetto doggs, death threat, pero palihim pa namin pinapakinggan yun sa walkman at cassette kasi may mga mura sisirain tape namin nun pag nadinig ng matatanda. haha tas nung first year high school ako. sinusulat ko yung verse ni GLOC-9 idol ko kasi sya ang bilis nya mag rap.  sinusulat ko yun habang nag pause, rewind, play sa cassette habang naka earphones bago matulog kahit mapuyat ako, kahit may pasok bukas. tas pinapakinggan ko paulit ulit yung verse nya iniimagine ko na sikat na rapper na ko kinakanta ko yung verse nya sa harap ng madaming tao. iniimagine ko ako yung bumibitaw ng verse na yun. at ngayon kumakanta na ko sa harap ng madaming tao kinakanta ko na lagi sa simula yung verse na yun.. kung napapanood nyo sa mga video  yung verse na yun kay GLOC-9 yun nung DEATH THREAT days nya pa. yun yung dahilan kaya kinakanta ko yun. nalaman nga ni kuya ARIS yun e. sabi daw nya kay SMUGGLAZ si mix kinakanta verse ko pinabilis nya hehe.. di ko lang masabi na yun yung dahilan lol.. maiba tayo ulit. ayun nung high school na pag walang teacher sa room nag rarap kami ng mga classmates ko at school mates ng mga verse na kabisado namin at dun ko napagtanto na ako lang nakakagawa ng mga verse ni gloc 9 malinaw ko nabibigkas. elibs sila lahat sakin.. hahaha dun ko natuklasan na may kakaiba kong dila jkgheuihjkcvndhwoevhjsdknvhu- TRIPLE TIME lol. tas nung 2nd year ako namatay yung kuya ko na mahilig sa RAP ipinagpatuloy ko lang yung pangarap nya kinarir ko na talaga. actually dancer yung kuya ko at rapper kaya nag dancer din ako nun pero mas minahal ko yung pag raRAP. kasi gusto ko din naman talaga..tapos madami ng RAPPER sa school namin mga kabarkada ng SALBAKUTA. ang titikas pumorma parang mga gangster sa america talaga tas pag dumarating sila nagbubulungan mga tao, uy mga rapper yan.parang ang cool pakinggan.. pero pag nadidinig ko sila mag rap napapaisip ako mas magaling pa kuya ko diyan mag rap e. (kung nabubuhay lang sya) tapos sa subjectl namin sa filipino pinapagawa kami ng tula e nadidinig ko sa mga rap lagi "ITONG TULA NA TO"  naisip ko may rhyme yung tula tuladng rap naisip ko na parehas lang siguro gumawa ng tula saka rap. ayun 100 ako lagi pag pinapagawa kami ng tula hahaha natatapos ko agad yung tula ng 5mins. tapos nagpapagawa na mga classmates ko sinisingil ko ng bente hanggang di ko namamalayan buong classmates ko na pala nagawan ko ng tula pasado lahat haha nakadagdag sa pambili ko ng AIR FORCE ONE uso kasi nun pag rapper ka naka ganung sapatos, CORTEZ saka K-SWISS. at ito pa, may teacher kami na makulit sa filipino pag nalate ka sa subject nya pagsasayawin ka o pag rarapin ka sa harap. ginagawa namin ng classmate ko si CHRISTIAN TATEL na mahilig din mag rap at pamankin ng GUIDANCE TEACHER ng school ay nagpapa- LATE talaga kami para makapag RAP haha hanggang 3rd year na kami pag may nag rarap sa 2nd year pinapatawag pa kami nung teacher namin sa filipino para lang labanan ng rap yung mga bago nyang estudyante haha kulit diba??  nagsimula din nun yung RAP-PUBLIC days nanonood ako lagi nun. kausuhan na ng mga RAP na may kanta sa koro. hanggang RAP-PUBLIC 2 sumali yung CRAZY AS PINOY daily pa lang to ah. nadinig ko silang tatlo PUCHA kakaiba. 



"UNANG BESES KO KINILABUTAN SA RAP" parang may kakaiba sa kanila. sinubaybayan ko sila hanggang finals at sila nga yung nag CHAMPION. tas nababalitaan ko na sumasali sila pag rap contest sa katabi naming brgy. tapos nag sulat na ko ng rap nun ang unang kanta na nasulat ko yung "HUDYAT SA KABATAAN" anti drugs na rap kasi kinanta namin yun una sa LIBRARY e  sinali ko sa song writing contest. tapos pyesta na samin. unang beses ko sasali sa rap contest kasama mga kagrupo ko na si TATEL (na classmate ko) at iba pang school mates namin (na kapitbahay ko) may cd ako nun ng live sa EAT BULAGA performance ng CRAZY AS PINOY lagi ko pinapakinggan yun, pampagana kasi kinikilabutan pa din ako kahit ilang beses ko pakinggan. bago umakyat ng stage pinapakinggan ko yun sa disc man ko para hyper ako pag akyat. pucha ang kumakanta bago kami ay yung GWAPITOS bata ng CRAZY AS PINOY na laging CHAMPION sa mga RAP CONTEST na finalist ng RAP-PUBLIC JUNIOR  inisip ko "ok lang yan may 2nd place pa naman e" at ito kami na yung kakanta (actually madami ko sinalihan ng gabi ng pyesta na yun dalawang dance contest at isang rap contest. kaya medyo pagod na ko bago yung rap contest)  after namin mag RAP sigawan mga tao iniisip ko yes rapper na talaga ko kasi nag RAP na ko sa stage e tas nagustuhan pa nila yung sarili kong RAP mismo. kaso ito ang matindi parang pelikula ang kasunod naming contestant ay ang mga idol ko.. "CRAZY AS PINOY" nawala na sa isip ko manalo basta mapanood ko sila ng harap-harapan hahaha. ayun kinanta nila yung PANAGINIP. 




champion GWAPITOS 2nd CRAZY AS PINOY 3rd yung mga dayo na wala daw pamasahe pauwi galing laguna. ok lang kahit di kami nanalo nakamayan ko naman sila. si ZAP pa yung naapiran ko ng matagal nun longhair pa si CRISPIN nun. kasi si BASSILYO may kasamang GF kaya nauuna lagi at si SISA kasama bf.. paglipas ng isang linggo  nabalitaan ko na may RAP CONTEST sa CONCEPCION MARIKINA na JUDGE ay CRAZY AS PINOY at isang taga EAT BULAGA. dumayo pa talaga ko nun kasama yung isa kong kagrupo nakita ko na naman CRAZY AS PINOY nun. late kami last contestant kami nun pero nanalo kami ng 3rd place nun. bigay todo ko sa pag raRAP nun. hanggang nung pauwi lumapit sakin si ZAP aka CRISPIN sabi ito MICROPHONE MASTER to. may potensyal ka. tas mga ilang araw sa tambayan sa CUBAO may pumuntang tropa namin na kakilala ng CRAZY AS PINOY pinapahanap daw ako ni kuya Deyb aka BASSILYO may potensyal daw ako isasali daw nya ko sa EAT BULAGA. dun ako naging CRAZY FAMILY. alam nyo na kung bakit kumukuha ko ng mga rapper na gustong matuto at mga baguhan na gusto mag rap? kasi ganun din ako dati ipinapasa ko lang bilang ganti sa pag tulong sakin ng CRAZY FAMILY ayun malawak na kami ngayon. at sana maipasa din nila sa iba...   tingin ko sa tagal ng paglalakbay ko sa HIP-HOP ang mga tunay ang di magsasawa at habang buhay na magmamahal dito... 

Asha: What would be your dream collaboration with any rapper or producer?

Crazymix: ahhm natupad na e ito oh


saka ito

nakapartner ko pa nga sa DOS POR DOS e. hehe kagrupo ko pa ngayon.

Asha: Since there are so many great Street Hip Hoppers, what determines who gets to the top?

Crazymix: ang mapapayo ko lang sa mga street hip-hoppers o rappers mahalin nyo lang at huwag kayo susuko. at huwag kayo mang aagrabyado ng tao lalo na sa mga tumutulong sa inyo. walang shortcut sa pag angat. dinadaanan na proseso yan araw-araw.. masaya ko na nakikita ko na marami ng RAPPER now. marami na din EVENTS, RAP CONTEST, RECORDING STUDIO na mas napadali para sa mga rapper ngayon. di tulad dati na talagang pahirapan kami. at ngayon nakikilala na mga underground artists ..

Asha: How do you separate yourself from other artists?

Crazymix: di ko alam hahaha.. bawat artists naman may iba-ibang paraan at style e..




Asha: What will they (Your Fans/ Supporter) expect from you? this year?

Crazymix: para sa mga fans, supporters, pisonet gangsters, haters. abangan nyo yung iba ko pang single ngayong taon at yung RIOT ALBUM malapit na. at iba pang Music Video bago matapos ang taon. :)


: Which one would you choose? :

Brief or Boxers? Brief
Coffee or Beer? Beer
Pizza or Tacos? PIZZA!!!!!
Liberated or Conservative? Conservative
Long Hair or Short Hair? Longhair
Island Hopping or Bar Hopping? Bar hopping at Island Hopping
Video Games or Biking?  Video Games
Single or Available? Single 
Movie Date or Picnic? Movie date
Knows how to Sing? or Knows how to Dance? Sing and Dance haha
Facebook or Instagram? Facebook.
Red or Black? RED!!!!!!

Asha: Give a shout out...

Crazymix: SHOUT OUT sa mga CRAZY FAMILY malamang yung iba sa inyo di pa alam yung istoryang to hehe .. sa BLCK MRKT kala Sir JAYDEE, Mam Pao tnx sa tulong saming mga BALIW. sa CRAZY AS PINOY, SISA, CRISPIN BASSILYO wag kayo maluha totoo lahat yan hahaha. sa mga kagangsta ko sa TBS 13, DPG. TEAM HOPIA,PUYAT RECORDS abangan ang ALAMAT NG MGA BALIW album.... ---- CRAZYMIX



---
Thank you for taking time in answering few questions about yourself
and about your career,
so much appreciated!
God Bless and More Power!

PHS,
Asha Mojica





Wednesday, June 4, 2014

RANDOM INTERVIEW: with Sachz Na (Sachzna Laparan)



okey this might be a bit weird, as we tried to step outside the box and do a random interview
from someone not related to hiphop community. why? ofcourse you might ask why,
well i just wanna give it a try, and add some contrast and diversity to topics to discuss.

so ano nga bang napag usapan namin ni Sachz na? sino ba sya? why all of a sudden her?
this is RANDOM INTERVIEW v.2 and this one is indeed SO RANDOM.

before anything else enjoy the soundtrip below
that btw include her in the Music Video...



and then read what we talk about below:
---

PHS: This is honestly the first time i made a non hiphop related interview.

Sachz Na: Wow hahaha

PHS: Sachzna Laparan your name is kinda unique i've seen some friends follow you that's why i follow you as well, what is your profession? lets make this first time COOL

Sachz Na: Well di ko sya kasi masabing prof. Kasi hilig ko sya haha modellingSaka sa photography
Artist at the same time hahaha

PHS: i've browse your gallery lately lang,do you have group na kinabibilangan or agency? artist?
what of kind?

Sachz Na: Yes i have a group named PAPERDOLL


PHS: PAPERDOLL  that would fit you, so where can we check this group? i mean do you guys do events, and what does this PAPERDOLL group do?

Sachz Na: Mostly sa mga sm mall shows kami, mga tv guesting ngayon may guesting kami sa spin nation channel 5 nood ka ah hahahahaha SING AND DANCE KAMI

PHS:  So you are sort of a celebrity or an upcoming one.who discovered you? and what kind of approach does he/she do?

Sachz Na: David nicolo name nya he is a photogrpaher. That was march last year then sabi nya bakit di ko daw subukan sa photography. Na search nya ako thru forum daw ng mga photographer  then search nya ako. Usap kami x deal daw muna. Sabi nya bagay daw ako sa ganunh industry then the rest is history. Yung followers ko pa lang nun is 2000+ hahahaha


PHS:  2000+ followers WOW and now i think your followers are greater that ours. It's nice that he discover you. So at what age do you start dear? i've seen some friends of my account follow as well, do you have any connection to hiphop or any artist of our community?

Sachz Na: Nag start ako at the age of 14yrs old. Alam mo ba kung ilan taon na ako hahha

PHS: I honestly but you look so young for me, i honestly dont know

Sachz Na: May ginawa kasi akong music video Luvlines with crazymix and bassilyo hahaha


PHS: I see so thats where the connection started?, pero are you a fan of rap? o na invite ka nalang nila, and how you guys meet? pano mo sila nakilala

Sachz Na: Mahilig akong manood ng fliptop. Haha sa you tube. Then ayon po na invite po ako for music video.

PHS: pero sino ang nag invite sayo? sa tingin mo pano ka nila nakilala? i think kay crazymix ko din nakita ang profile mo.


Sachz Na: Ah yung videographer na gumawa ng music video namin na luvlines  is media manager ng paperdoll

PHS: I see. so lets stop the connection and  focus on you. In your opinion anong magiging path ng paper dolls in the future? are you guys keep doing what you do or try something else

Sachz Na: Well sana magkaron ng sariling kanta. Recording. Tas magkaron ng mga.commercial something like that.Syempre po habang bata paperdoll pero mag mamatured din naman someday. Gusto din mag try ng something else.

PHS: Do you guys sing right? do you guys compose your own songs too?

Sachz Na: Hmmm di pa na ttry mag compose hahaha Kasi oanay revival ginagawa namin e


PHS:  Thats okey so do you plan in making a original track one day, sino pumipili ng mga kakantahin nyo?

Sachz Na: Of course gusto namin plan namin yan. Everyone nag sa'suggest tapos kung sino yung madaming may gusto na yun. Yun ang kakantahin namin


PHS: i see, if i will ask you saan mo gustong mag focus more? singing, dancing, modeling, or acting?

Sachz Na: Naku lahat yan gusto ko pero mas na eenjoy ko yung modeling. Tas singing

PHS: Honestly i believe sisikat ka sa modeling at dahil dun matatry mo rin lahat... so ah do you guys have websites or online sources which we can search so we can know more about you and Paperdolls?

Sachz Na: Yes we have @paperdol7 https://twitter.com/Paperdol7
https://www.facebook.com/Paperdol7s?ref=hl Yan po yung fanpage namin sa twitter and facebook


PHS: pls do promote your upcoming events

Sachz Na: Amm standby for our incoming event hmm pangasinan pupunta kami.jan soon, Sm malls saka sa youtube palan namin haua http://m.youtube.com/user/Paperdol7Official Yan visit din nila yung youtube. Official youtube ng  paperdoll

PHS: do you have a message to yours fans or anyone who supports you?



Sachz Na: HI TO ALL FANS OUT THERE IN THERE SIDE THERE JOKE HAHA CAPSLOCK PARA INTENSE. KIDDING ASIDE  LAGI UNANG UNA NAGPAPASALAMAT AKO KAY GOD KASI ALAM KO SYA LAHAT NG DAHILAN BAKIT PO AKO NGAYON MAY MGA BLESSING. SECOND FAMILY KO NA SUPER SUPPORT SAAKIN. SILA YUNG UNANG UNANG NAGING FANS KO HAHAHAHA AND OF COURSE YUNG INSPIRATION KO NA LAGING NASA TABI KO. NA TALAGANG DI AKO INIWAN THRU GOOD TIMES AND BAD TIMES. HAHAHA  AND SA MGA PAGE KO NA NAG HAHANDLE SALAMAT SA PAG PROMOTE NYO PO. SACHZNANATICS. SACHZNABANANA SACHZNA OFFICIAL FANPAGE. SA LAHAT NG FANS KO NA DI NAG SASAWANG MAG LIKES SA MGA PHOTOS KO HAHAHA AY OAG SUPPORT SAAKIN DAHIL SAINYO LALO KUNG GAGALINGAN. MAHAL NA MAHAL KO KAYOOO. 

PHS: Lastly if you wanna give a shout out to anyone pls do so.

Sachz Na: please greet bea my admin. Supporters sachznabanana and sachznanatics. And please support snapbacks and paperdoll. Pakihabol na rin po pla si Tropang eris ulang hahaha

Please follow me on twitter @sachzna1 
Instagram @sachz fb: sachzna_boss@yahoo.com

PHS: Miss Sachz Na thank you very much for you time i really really appreciate the time you've given me that means alot thank you.

Sachz Na: Thankyou din po!  Okay lang po share ko po yan, Ay wait Paki shout din po yung luvlines paki vote sa myx Luvlines by crazymix ft sisa thanks, Hahahaha okay din salamat sensya na 3 days interview din yun

PHS: hahahha it's okey atleast we have a 3 days talk, kasi malamang sa di na kita maka usap ulit due to your busy sched im happy that napagbigyan mo ako, pasensya ha sa ganitong paraan lang kaya ni PHS mang interview.

Sachz Na: Okay lang no salamat din sa first time na  interview super cool.


isang so random interview that lasted 3 days haha o well, for me still a nice try,
basa basa rin ng iba, subukan para may matutunan, wag makulong sa loob ng box,
now that we see others life. okey balik bahay ulit. :-)
---

note: that all pictures belongs to her fb account, credits to all the photographers.


Wednesday, August 17, 2011

Froozyphobia aka frooztreited hoemmizyd



AKA: frooztreited hoemmizyd
Ako si Federico "Froozyphobia" Hidalgo .
Pinanganak noong March 30, 1990

Reppin Crazy Family , Crazy Family Badboys , Blindrhyme Alliance
Genre HardCore Lang wala ng iba




Nagsimula akong mag-rap ng mag-rap nung year 2008 , pumupunta punta na din ako sa mga event/shows ng 187 mobstaz nun . Then nakilala ko ang Crazy Family sa isa sa mga event ng 187 mobstaz , at nabalitaan ko na may audition ang Crazy Family .

Nag-audition ako sa Crazy Family nung august 9,2008 . Awa ng Diyos natanggap ako kahit di pa ganun kaganda ung rap ko . Nakilala ko bilang Solo Artist ng Crazy Family . Marami silang naituro at naitulong sa kin . Kaya Down na Down ako sa Crazy Family . Pasensya na Puro diss ang Rap ko wala akong kunsensya .

"I'm Crazy And I'm Proud of it"
"Pssst (princess ryuma diss) - Frooztreited Hoemmizyd"

Tuesday, April 12, 2011

RAP JAM


Saturday, April 30 at 7:00pm - May 1 at 2:00amLocation
5th Avenue Bar
National Highway
San Fernando, Philippines

Created By

More Info
for tickets just call or TEXT Levie Silva 09996573051.. Or Buy at Xmarks computer shop @ Governor Nisce ST. Catbangen City of San Fernando.. 

With Special PErformances of Rappers from La Union, BAguio ad a surprise guest from manila... 

Support the movement..

One Love!