Search

Tuesday, February 18, 2020

Random Interview with Zjay




Isa sa underground artist gumawa ng pangalan si Zjay ilang buwan mula sa muling kasagsagan ng hiphop, isang artist mula sa “Maduming Kwarto” (Dirty Room Production), isang artist na unti unting umaangat ang kasikatan, dumadami ang music videos, nakakapag tanghal sa mga events at nakikilala ngunit biglang tumigil at nawala, anong nangyari kay Zjay? Bakit sa panahon na kasikatan pa sya tumigil?
Nagkaron ako ng pagkakataon makausap sya and check what we discuss below:
Zjay: Maayos naman ako kap tuloy sa proseso ko na pag iwas sa mga hindi naman dapat, ayun nga pinahinga ko lang ang sarili ko sa lahat kase dati alam kong nawalan nako ng disiplina sa sarili. bali hindi ako nahihiyang ihayag sa lahat na ako po ay nagpa rehab ng 5months at gusto ko sanang pasalamatan yung psychologist ko si sir Christian Carani sa pag tutok sakin habang nandun ako.
Bali doon nakapag isip isip ako sa mga past na nangyare saken maganda/panget. tska dun ko na realize kung sino lang talaga yung mga najan para sayo, yung palaging nangangamusta at nagtatanong. nagpapasalamat din ako sa tulong ng pamilya ko kase hindi nila ako pinabayaan tho’ ako’y sumobra noon sa limitasyon
PHS: Anong mga naramdaman mo sir?, mga kinunsedera bago ka mag parehab?
Zjay: Nung una natatakot ako kase nga mawawala ako sa scene pero bandang huli naisip ko na mas mahalaga padin na ihulma ko ng tama ang pagka tao ko at hindi ko naman kailangan yung atensyon ng iba para lang sumikat, makilala sa pamamaraan ng mga maling pananalita at pag asta
tska ayun nga pag balik ko ramdam ko na mas minahal nila ako at sa parte na yun ako’y taos pusong nagpapasalamat at walang sawang uulitin sa lahat na mahal na mahal ko kayong lahat na nag alala, nag isip, nag manahal at may pake saken
PHS: Anong mga natutunan mo nung panahon na nawala ka sir? anong mga namiss mo sa scene
ZjayNatutunan kong mag suot ng brief hahaha dijoke lang, ayun natuto akong alagaan ang sarili ko, natutunan ko din yung mga simpleng bagay tulad ng paghuhugas ng pinggan at paglalaba ng mga sarili kong damit. Natuto akong makinig sa opinyon ng ibang tao basta sir madami eh
PHSAnong mga namiss mo sa rap scene
Zjay: Namiss ko una yung mga kaibigan ko, na miss ko si Shanti, ser Gloc, Pino, Hush tska buong Kwarto. na miss ko yung magulong event pero walang nag aaway lahat peace lang. namiss ko lang kuys namiss ko yung buong scene kaya ngayong buong puso ko ulit iaalay ang sarili ko dito
PHS: Ngayon na nagbalik ka with this track called Dymante, anong mga aasahan namin sa bagong Zjay?
Zjay: Bagong zjay? kuys ako padin to mas nakakapag isip nga lang na ng tama at dirediretcho na ulet. madaming bago kaya madaming aabangan yung mga taga kinig naten
PHS: Anong mga mapapayo mo sa mga taong nakaranas ng mga nararanasan mo o ung mga taong bago umabot sa ganitong situation?
Zjay: Wag niyong hayaan na umabot pa kayo sa puntong pati pamilya mo inaayawan na yung ginagawa mo. Makinig tayo palagi sa mga sinasabe saten ng pamilya at mga kaibigan naten (real friends) tska sumama tayo sa mga taong tuturuan tayo ng tamang direksyon sa buhay hindi yung mga nanjan lang pag mainit ka tska pag sa kasiyahan lang sumasama
PHS: Maraming salamat sa oras sir malaking bagay to para samin.
ZjayShoutout sa lahat ng walang sawang naniniwala at sumusuporta sakenlalong lalo na sa pamilya ko at mga kaibigan, kayo yung nagsisilbing gasolina ko dito para maka usad at maka andar ang pangarap ko sa gusto kong mapuntahan.
shoutout din sa lahat ng mga taga tondo, gagalangin tondo represent!πŸ’―

No comments:

Post a Comment