PHS pages

Tuesday, February 18, 2020

Random Interview with Douglas Brocklehurst

\
Minsan akong naka attend ng isang event na si sir Douglas Brocklehurst ang nag produce. Minsan naring nasabihan na “Gawa ka event sir, suportahan ka namin”. It’s one of the dream I can’t accomplish dahil sa maraming kaakibat transaction, mga marketing collaterals, meetings, venue, food, and all small details a marketing/producer could only know. Nakausap ko si sir Douglas and it inspires me nung sabihin nyang “Lumaki ako sa Caa, Las Pinas city, wala akong pangbayad sa rap contest entrance dati”. Walang pambayad ng mga events dati, ngayon sya na mismo ang nagpapa event dahil sa laki ng tiwala nya sa local hiphop. Isang marketing director, event organizer, a co-founder ng Calleconisa sa hiphop-behind-the-scene guy we should know and respect. Read what we discussed below:
PHS: Your are working behind the scenes ng hiphop, mainly sa events how did you come up with that idea?
Douglas Brocklehurst: Back in 2016 I’ve been working with a newly organized record label, yun yung comeback ko sa hiphop talaga tumutulong kasi ako sa events and marketing ng good friend ko na nasa mainstream Rnb/Ballad/Pop singer syaPero since mahal ko ang hiphop dahil lumaki ako sa streets ng Caa, Las Piñas, sinubukan ko mag organize ng event nov 2016. Fund raising event sya, tapos ayun tuloy tuloy na.
PHS: Sino sinong mga una mong kakilala sa rap scene? You consider yourself a fan? A artist? A producer?
Douglas Brocklehurst: First. Las Piñas Finest, sila Moody One, tapos eventually mga kalugar ko na naging mentor koTarget of DC Clan, which I’m part of. May mga songs din ako dati, hehe pero tinanggap ko na, na hindi sya para sakenKaya, I operate behind the scenes nalang. Frustration ko eh,
I’m a fan, of hiphop at ng lahat ng tunay na nagtataguyod nito.
PHS: Sinong mga naging inspiration mo sa rap music? Hindi ka ba nangarap maging rap artist din?
Douglas Brocklehurst: Marami eh, syempre Francis M. Gaya ng sabi ko nag rap din ako.. pero sobrang saglit lang, lahat ngayon sa scene inspirasyon ko.
PHS: Ano ano pang mga events ang nataguyod mo sa rap? Name a few and kamusta ang pag tangap ng mga tao?
Douglas Brocklehurst: I first did Hit em up – Nov 2016. I had a birthday event nuong May 2017 called 25K Magic. Then I did, 727 Clique’s album and music video launch. Tapos Rap Is Live – March 2018 (It was crazy!) sa B-Side, and Angat Last June 2018 sa B-Side din. All was successful naman sa awa ng Universe.🙏🏾
PHS: This up coming Calle Con, kelan at papano mo ito naisip?
Douglas Brocklehurst: It was only a passion project at first, bawi para sa culture kasi sunod sunod yung unsuccessful events nung last part ng 2018. I was in the US late 2018 tapos may mga nangyare na hindi inaasahan, together with my partners Nick Hernandez and Droppout Marasigan nag plano kami mag mount ng event.
So we came up with CALLE CON x Nag isip kami pano maging kakaiba sa lahat ng events na nag eexist. So nag isip kami ng crossover ng fashion and music. Ito na.♥️
PHS: Anong pinaka mahirap sa event planning ng isang rap event?
Douglas Brocklehurst: Mahirap lahat, simula sa pag iisip ng name, paghahanap ng tamang venue, at pag kuha ng tamang date. Pag curate ng artists, pag iisip ng branding and direction ng event at the same time paghahanap ng sponsors.
Yun pinaka mahirap, kasi kapag sinabi mong hiphop sa corporate world medjo nilo-lookdown.
Kaya yun ang vision ko, ma commercialize sya para magka budget na ng maayos at magkaroon ng magaganda pang events for urban / hiphop scene.
PHS: Anong pagkakaiba ng hip-hop scene before sa ngayon, sa sarili mong pananaw?
Douglas Brocklehurst: Malaki, yung support ng artist’s sa isa’t-isa ngayon. Grabe! Tsaka sobrang bilis nalang mag promote ng event, ng single, ng album, ng sh*t. Kahit ano mas madali na now ksi daming tools na available, gaya ng social media.
PHS: What can we expect from you in some years to come?
Douglas Brocklehurst: More events, bigger ones.
Int’l collab ng TMP Productions with Int’l artists, tsaka plan ko i-tour artists naten here abroad..🙌🏾
PHS: Anong masasabi mo sa mga nagbabalak din sumugal sa hiphop, or mag lakas loob na mag produce ng event gaya ng ginagawa mo?
Douglas Brocklehurst: Gawin nila gusto nila. Dapat mahaba pisi, kasi hindi laging panalo, kaya kung pera ang habol mo hindi para sayo ang pag sugal sa hiphop.
Operate out of love, not greed. Operate out of passion.. Look for Inspirations, look for collaborations. Work with, not compete.
And syempre dapat support ka sa events ng iba. Suportahan mo lahat, tapos kapag may nakita kang mali, subukan mong itama.
PHS: Lastly your personal shoutouts.
Douglas Brocklehurst: Shoutouts to my Team. TMP Productions, TMP Creatives, mga tropa sa Team Rekta sa Kalye, Midas Music and Ent. Productions. Partners ko Nick Hernandez and Droppout MarasiganPaulo Reyes, MC Sai, Just Washington, kay Carl and JustinSa Family ko, sa lahat ng naniniwala saken sa TMP at sa lahat ng artists and creatives na down saken at sa lahat ng cause ko. Salamat sa inyo! Pag-igihan lang naten lahat.
At syempre sa Pinoy HipHop Super Star!!!
God Bless Us All!
It’s always nice to know na merong mga sumusuporta sa hiphop and they know what role they have to play. Most fans are turning into artist, B-boy or DJ, pero malaki ang utang na loob natin to people like sir Douglas who believes na deserved natin to be heard and be on the spotlight. The hardwork behind the scenes is something a normal fan could not comprehend. The planning to the very small details kung walang mga producers we could not reach this far and we always should be thankful to them. Kudos sir Douglas! More events to come!

No comments:

Post a Comment