Search

Thursday, February 21, 2019

Random Interview with Kemikal Ali


1 half of the BB Clan group si sir Honorable Kemikal Aliisa sa mga hinahangaan ko sa rap game specially to his wits and creative lines, his references are always unique and quite his style, pag pinakingan mo sya be prepared with the flows you will never hear somewhere else. Although galing sa golden age ng local hiphop kayang kaya parin makipag sabayan sa mga baguhanNapasama rin sya sa grupong UPRISINGisang group ng mga ibang klaseng makakata na may kakaibang lalim ang bitaw and he perfectly fits with themNagkaroon ako ng chance to talk to sir Kemikal Ali last yearAno ano nga bang nagpagusapan namin read the whole interview below:
PHS: Good day sir, so Ano ng bago kay Honourable Ali?

Kemikal Ali: Kalalabas lang noong Aug 31, 2018 ang unang album ko mag-isa mula Uprising na pinamagatang “Kemikal Ali x DJ Arbie Won – Bukas Uulan ng mg Bara”. Executive Produced by Anygma with additional music production nila Lowkey at DJ Umph.

PHS: Kamusta ang BB Clan? Circulo Pugantes? At papano ka napasama or nakaka collab ng Uprising?
Kemikal Ali: Since nasa Canada na nakabase si Simon, masasabi ko lang na retired na ang BB Clan. Wala pang plano sa ngayon ang Circulo Pugantes. Napasama ako sa Uprising sa pamamagitan ni DJ Arbie, at dahil marami na rin silang nagawang trabaho magkasama, dinakma ko na ang pagkakataon na sa Uprising na mailabas ang solo debut album ko.

PHS: Anong opinion mo sa bagong wave ng local rap artist natin ngayon, anong opinion mo sa knilang musical styles?
Kemikal Ali: Tungkol sa musical styles ng mga bago, anything goes yan, kung anong nararamdaman nila, yun din naman ang nailalabas nila. Kung wack ang pagkatao, wack din ang tunog kadalasan. Wack din naman ang makikinig nun. At kapag hindi wack, bravo! Yan yung tingin ko ay hindi nasisilaw sa hangad lang na sumikat at magpapansin.

PHS: Sino ang mga musical influences mo o pangarap mong maka collabo?
Kemikal Ali: Sila Francis M, Andrew E, Denmark, Freddie Mercury, Michael Jackson, KRS-One, Ice T, Big Daddy Kane, B-Real, Everlast, Ice Cube ang ilan sa mga impluwensya ko sa tugtugan. 
Nakacollab ko na sila Francis M, Andrew E, Denmark, at iba pang mahuhusay, pero sa ngayon medyo hindi ko alam kung sino ang gusto kong makatrabaho sa isang kanta. Malaking pressure kasi yang mga collaboration, exciting pero sobrang nakakastress sa panig ko.

PHS: Ano sa tingin mo ang hindi mo pa naiaambag sa larangan ng Pinoy hip-hop?
Kemikal Ali:Tagasulat ng mga kanta at tagabigkas lang ako ng mga sulat ko, hindi ko alam kung ano pa ang kailangan kong iambag.


https://www.youtube.com/watch?v=sUxiXgTvO1o

PHS: Since isa ka rin sa maituturing na pioneer or galing sa Golden Era ng local hip-hop noong panahong wala pang internet ano sa tingin mo ang pinagbago ng OPM rap?
Kemikal Ali: Dahil sa pagdating ng internet, mas lumawak lang ang naabot ng OPM rap, sari-sari rin ang mga talino at topak na natuklasan at natutuklasan sa kalaunan.


https://www.youtube.com/watch?v=_0w11S_DipY

PHS: Your message sa mga fans at mga naniniwala parin sayo at mga gusto mong pasalamatan. If there’ s anything you want to promote or a site/page na pwede naming puntahan para makabalita ng bago mula sayo sir? Maraming salamat isa itong karangalan mula sa Pinoy Hiphop Superstar.
Kemikal Ali: Saludo pa rin sa mga sumusubaybay sa mga likha ko at salamat sa lahat ng mga bumili at nakapakinig na sa bagong album. Tulungan nyo po akong mapalaganap itong tunog at mensaheng nilalako ko. Pakibisita lang ang mga sumusunod na sites https://www.facebook.com/ali.amerol at https://www.facebook.com/bertingbirtud/ at https://www.fliptop.com.ph para sa mga galawan ko. At salamat sa inyo Pinoy Hiphop Superstar.

https://www.youtube.com/watch?v=LhB2M2pKChs


No comments:

Post a Comment