PHS pages

Thursday, August 7, 2014

Random Interview with Maria Frizzygurl

*Pictures belongs to King Manieg 



Frizzygurl isa sa mga underground femcee so what's up with her lately?
sino nga ba sya? anong mga susunod nyang galawan
im able to talk to her, although not continuously
so ano nga bang mga napag usapan namin? read below: 

wait before we start soundtrip ka muna:


PHS: Kamusta ka ngayon Miss Maria, what are you up to lately? anong bago

Maria Frizzygurl: Sa ngayon masasabi kong bumabangon ulit. Sabihin nanatin medyo umiba ko ng daan para mas malaman at masukat yung pagkatao ko. Pero ito musika ko parin ang humatak sakin pabalik sa daan na tinatahak ko. Masasabi kong naging masmatatag ako. nakagawa ko ng limang kanta sa pagdaan ko dun at isa dun ngayon ang pinaghahandaan for the music video "Anghel sa dilim" Makikita dun yung tinahak ko. :))


PHS: Mukhang malamim ang pinaghugutan, kelan ang labas ng video nato?
are you currently into a group right now?

Maria Frizzygurl: Di ko pa masabi pangalawang music video na to pag nagawa din balak ko sabay sabay ko na ilalabas kasama ng album ko.Sa ngayon wala mas gusto ko muna na solo. Nandayan naman yung family ko sa hiphop Xcrew at yung production ko Beatstyler Production at JDP madami naman mga tulutulong so no need na para umanib pa sa mga grupo.

Solo artist muna under by Beatstyler Production padin.


PHS: I see... i think it's a nice move to go solo sometimes. para mas hawak mo ang mga desisyon mo, so magkakaroon k ng album are you almost done with it? ilang tracks kaya ang meron sa album nato at kelan to lalabas?

Maria Frizzygurl: Di ko pa alam kung ilang kanta ithink mga 10 or mas higit pa. Balak ko sa mismong birthday ko June 9 pero not sure pa madami pa nilalakad for my album . 


PHS: So in this upcoming album do you have any collabo's? ano mostly ang mga tema ng tracks

Maria Frizzygurl: Mostly puro sya kwento.Para lang ako nag kukwento and mga positive song mga pampalakas ng loob dahil sa panahon ngayon pag nasa musika ka madalas naghahatakan pababa.Pampalakas ng loob para sa mga tulad ko  collabo sa ngayon di ko pa masasabi o mabanggit sinu sino sila pero isa lang masasabi ko mga mahuhusay sila.  Mga naka skeds pa lang for recording kaya mahirap pa masabi sino sino:)


PHS: Lastly any final words for your supporters? at sa mga nangangarap pumasok sa hiphop scene?

Maria Frizzygurl: Sa lahat ng patuloy na sumosuporta sa musika ko. Maraming salamat po.
Sa lahat nga gusto o nangangarap maging rapper kayo din po ang tutupad nyan tandaan nyo na walang audition para maging rapper ka basta nasa puso mo sya sumulat ka ng awitin na gusto mo wag kalang gumawa ng musika para magustuhan o mag impress sa kapwa mo musikero dahil kung nasa puso mo yan tiyak na madaming makikinig nyan.Isipin mo lang na kaya mo ito ginagawa para mailabas mo ang di mo kayang isigaw sa mundo. at pinakahuli di mo kaylangan kumapit sa sikat o manggamit ng sikat Para umtangan.bagkos isipin mo kaya gusto mo sila makacollab dahil sila ang naging inspirasyon mo. Tandaan na "Ang musika ang di mamamatay sa mundo" 
"Respeto sa tunog ng musika" -MariaSilorio



No comments:

Post a Comment