PHS pages

Thursday, July 17, 2014

RANDOM Interview with Kjah




isa sa pinaka mahusay na artist ng modernong panahon ay si Kjah
na unang nakilala ng karamihan sa pag sabak nya sa fliptop,
hangang sa makilala bilang isa sa mga pinaka malupit, may lalim
ang bawat mga bitaw at talagang may laman ang mga kanta,
alam ang tinatahak at galawan, ngayon myembro ng isang grupo
na kung tawagin ay UPRISING, ano nga ba ito? swerteng nakabalitaktakan 
ko si sir Kjah at natanong ng mga bagay na gusto kong malaman, 
whats up with him lately? bakit Kjah? read below:
---


PHS: Kamusta sir, ano bago natin ngayon?

KJah:  'Sa Gitna ng Prusisyon' album: (bit.do/sgnp)  UPRISING Records/Management. Indie record label, kaya malaya pa rin akong gawin ang gusto kong klase ng musika.

PHS: This UPRISING? what is it about? sino sino ang member nito at pano ito nabuo?



KJah: UPRISING (An independent music label and management company owned and managed by FlipTop Battle League's Anygma and Music Colony's DJ Rye. Artists signed under the label includes Protege, Anygma, Zaito, Kjah, RBTO and BLKD. Also part of the roster are some of the best Producers and DJs in the country, Supreme Fist, Umph, Sloj and Rye.)

PHS: So it's like a super team? who pick it's members sir?



KJah: Si Anygma at Rye na s'ya ring nagpapatakbo sa Upri. Hindi kami dumedepende sa kung anong ibansag sa amin, super o wackest kahit ano haha. Basta ang layunin namin, gumawa ng musika, ipakalat, tapos gumawa ulit. Yun na mismo! 

PHS: That's dope. it somehow reminds me of ampon, do you think may similarities ito sa nasabing group?

KJah: Meron. Parehas kaming gumagawa ng rap, haha! Hindi ko pa masyadong kabisado ano pa yung pagkakaparehas namin. Pero syempre, may malaking pagkakaiba sa bawat kampo. Kasi kung hindi ito magkakaiba, edi dapat iisang grupo na lang sila.

PHS: Kunsabagay...Tukuyin naman nating ang fliptop...bakit madalang na ang mga laban sir? mas focus naba ngayon sa music?ano sa tingin mo ang naging kagandahan at kapangitan(kung meron man) ng fliptop sa larangan ng hiphop?

KJah: Oo, mas nakatuon ang atensyon ko ngayon sa Musika. Masyado nang maraming magaling sa Fliptop, hindi na nila ko kelangan.

PHS: I don't believe that sir, pero kung sakaling masalang ulit sino ang gusto mong makaharap? do you think mangyayari pa ang Kjah vs BLKD?

KJah: Kung SAKALING sasabak ulit ako.. kahit sino. 

PHS: Your moniker, KJAH does that have any meaning? can you tell us a bit something about it?

KJah: Sa katunayan niyan wala naman siyang ganoong kalalim na ibig sabihin, kung mismong pangalan ang tutukuyin. Naisip ko lang yan, nasa 13 years old ako. Madalas kong laruin yung GTA, tapos laging KJAH Radio Station ang pinapakinggan ko pag nagnanakaw ng kotche (dun sa laro). Minsan, habang nilalaro ko yung larong yun, biglang ginusto kong maging rapper. At sa pagkakaalam ko, ang rapper itinitago ang sariling pangalan, para sa proteksyon na din ng personal kong pagkatao. Ayun, KJah unang pumasok sa isip ko. Hahaha! Bale, simbolo siya na bata pa lang ako, nang pinangarap ko yung ginagawa ko ngayong patanda na ako.



PHS: Thats dope, so it comes to that game pala thats interesting...what inspires you to be an artist?
who are the artist you look up to?

KJah: Hindi ko sigurado kung ano eksaktong edad ko noon, sabihin na natin 6 years old o 5. Pinatugtog ng tiyuhin ko at nanay ko yung "Tayoy mga Pinoy" ni FrancisM., doon ako unang nakarinig ng RAP at talagang naaliw ako bilang bata. Hanggang medyo nagbibinata, RAP na talaga kinahiligan ko, simulan natin sa RAP PUBLIC, hanggang sa lumalalim ng lumalalim ang gusto kong pakinggan, o dumating na ko sa puntong nagsasakliksik na ako sa kasaysayan ng hiphop. At eto na nga yung panahon na yun. Tuloy tuloy ang pag-aaral ko sa kultura ng Hiphop, unang una sa elemento ng RAP.

Foreign: idolo ko si NAS, Eminem, Talib Kweli, Lupe Fiasco, Dead Prez, Royce da 5'9, Tupac, Biggie, Mos Def, Common, Jay Z, The Game. Sobrang dami kung iisa isahin. Sa Tagalog Rap naman: Francis M., Gloc9, 1st album ng Stick Figgas, mga kasamahan ko sa UPRISING, Death Threat.


PHS: That's a dope choice... so what can we expect from you sir in the future?

KJah: Mas madaming kanta! 

PHS: Thats nice, sir. so any messages sa mga followers mo?and kinda give your shout outs too


KJah: Salamat sa mga bumili ng album ko, at sa mga nagpupunta sa mga gigs kung saan nandoon ako at nagtatanghal. Kayo ang nagpapatatag sakin, at nagbibigay ng malaking dahilan kung bakit hindi ako dapat sumuko kahit mahirap maging rapper sa pilipinas, unang una, napakahirap kumita sa trabahong ito, lalo na kung malalim na usapin ang tinatalakay. Salamat sa mga tunay!

PHS: Salamat ng marami boss

KJah: Pagbati sa lahat ng nag-share sa alinmang ginagawa ko bilang rap artist, laki ng tulong niyo! Salamat kina Anygma, Rye, DJ Umph, BLKD, Meow, David a.k.a Gnarrate, Wipcaps, Daily Grind at sa mga katulad mong kinikilala ang kung anumang kaya kong gawin.



isa si sir Kjah isa sa mga kaabang abang na artist,
i became a fan from the very first time i listen to this guy

it's nice that his career is just getting started so are we
ready for the new bread pinoy hiphop? :) - PHS

--
Photo credits to ARVIN BARTOLOME.
to buy his album kindly check it here: https://kjah.bandcamp.com/


No comments:

Post a Comment