ako C JES DELA TORRE KUNG TAWAGI NGAYON AY" JES.HUSTLA "
ISANG MUSIKERO BINABATAY ANG AWIT SA TUGMAAN KUNG TAWAGIN NILA AY "RAP"
PINANGANAK SA BAGONG BARRIO CALOOCAN CITY
NAHILIGAN KO ANG MUSIKA MULA NUNG AKO AY 13 TAON PALANG
KUNG SAAN AY NAHILIGAN KONG PAKINGGAN ANG MGA KANTA NOONG MGA PANAHON NAYON AY
GHETTO DOGGS ,MASTA PLAN, FRANCIS M , ANDREW E , DEATH THREAT,
MGA HARDCORE AND LOVE SONG RAP
DI KO ALAM BAKIT MASARAP SA PANDINIG KO ANG GANTONG KANTA NOONG PANAHON NA YON
ISA PALANG AKO SA MGA TAGAPAKINIG
14 YEARS OLD NAG TRY AKO GUMAWA NG KANTA PERO DI KO ALAM
KUNG PANO KO MAG RERECORD TINATAMBAK KO LANG SA NOTEEBOOK
KO PARANG KATUWAAN KO LANG GUMAWA NOON DI KO ALAM NA BALANG ARAW
PALA AY MAKAKAPASOK AKO SA LARANGAN NG MUSIKANG ETO
AT MAKAKA PAG RECORD NG SARILING KANTA
TUMAGAL NG TUMAGAL ANG PANAHON HANGGANG SAKIN PAG TANDA NAKAHILIGAN KO NA MAGING HIP HOP
LAHAT PINASOK KO PAGIGING GANGSTER , CHATER , DANCER , FRAT-(TRISKELION)
MAGULO ANG BUHAY KO NOON MULA HIGH SCHOOL AKO
3X AKO NAKULONG DAHIL NARIN GURO SA
MAPUSOK NA MUNDO NG KABATAAN NUON
AT FIL KO NUOON NA HIP HOP OR GANGSTER AKO PAG NAPAPASAMA AKO SA GULO
PERO KAHIT GANUN PA MAN DI KO NAPABAYAAN ANG PAG AARAL KO
NAKAGRADUATE AKO NG HIGH SHOOL
NAKAKAKUHA NG SCHOLARASHIP SA COLLEGE
KASI GANGSTER MAN AKO SA PAG LABAS NG
BAHAY PERO SA LOOB NG BAHAY NAMIN
AY CONSERVATIVE ANG MGA MAGULANG NAMIN
KUNG SAAN TIPONG DI PWEDE KUMAIN
HANGGAT HINDI NAG DADASAL GANUN PA MAN DI
AKO NAPIGILAN NG MAGULANG KO
NA MAGING MALAYA AT GAWIN ANG LAHAT NG GUSTO KO SA PAGIGING HIP HOP
NANATILI PARIN AKONG HIP HOP
AT TAGAPAKIG NG MGA MUSIKA NG RAP
UNG MGA TAON NA YON NAKAHILIGAN KO NA ANG MGA LOVE SONG RAP
KUNG SAAN KASAGSAGAN NA PUMUTOK ANG PANGALAN CURSE ONE
SMUGLASS 187 MOBSTA AT MARTIAL CAMP RECORDS SA LUGAR NAMIN
LALO AKO NAINGGANYO NA GAWIN ANG KAGUSTUHAN KO AT PANGARAP NA BALANG ARAW
AY MAGIGING KATULAD KO RIN SILA SUMIKAT AT MAKSAMA SILA SA KANTA
BINALAK KO SUMALI NG CONTEST NOON MGA ARAW NA YON
PERO DI KO ALAM PANO KO GAGAWIN TAONG 2010
HANGANG DUMATING YUNG TIME NA AKSIDENTE LANG NANYARI
NAG TRATRABAHO AKO NUN SA GLOBE BILANG TECHNICIAN
SA FIELD ANG TRABAHO KO NOON
HANGGAN SA NAKITA KO YUNG KABABATA KO NA SI
SI LESTER NA KILALA SA PANGALAN NA MCNASTY ONE
NA TUMATAYONG ULO AT CEO NG MARTIAL CAMP RECORDS
LUMAPIT AKO SA KANYA PRA MAG TANONG
MALAKI NG PINAG BAGO NANG KABABATA KO
ILANG TAON DIN KAMI DI NAG KITA
SERYOSO NA SYA SA BUHAY
NAGTANONG AKO SA KANYA KUNG PAANO BA GAGAWIN KO SA
KAGUSTUHAN KO MAKAPASOK SA MUNDO NG RECORDING
AT NUNG ARAW NA YUN BIGLAAN NYA AGAD AKO BINIGYAN NG ORIGINAL BEAT
KUNG SAAN AY JE. BEAT PA ANG BINIGAY SAKIN
AT LAKING GULAT KO NA SI CURSE ONE PA ANG BINIGAY NYA SAKIN
PARA MAG KOROS SA UNANG KANTA NA BINUO AT NARECORD KO
KUNG SAAN ETO AY LOVE SONG MAY PAMAGAT NA 'NANG MAKASAMA"
MASYADONG MABILIS ANG LAHAT NG
PANGYAYARI NOON LAGI NA AKO NASA STUDIO NG
MARTIAL CAMP JES.LOCO PA NUN ANG GAMIT KO NA NAME
HANGGANG SA PINALITAN NI MCNASZTY ONE NG JES.HUSTLA
DAHIL MASYADO NA RAW COMMON SA KATUNAYAN SYA ANG NAGPANGALAN SAKIN NA GINAGAMIT KO NGAYON
NOON DISIDIDO TALAGA AKO MAKAPASOK HANGGANG SA BINASBASAN AKO NI MCNASZTY
NA BILANG ARTIST NG MCR LAKING TUWA KO NUN
NG SINABE NYA NA ISA NA KO SA
ARTIST NYA .........
HANGGANG SA DUMAMI NG DUMAMI ANG NAGAWAN KO NG KANTA
PURO LOVE SONG HANGGANG SA
NAKA SAMA KO NADIN SI SMUGLASSSA ISANG KANTA
SI SMUGLASS NAMAN ANG BUMUO NG PAG
KATAO KO BILANG MUSIKEROG MANUNUGMA
KUNG SAAN SINABI NYA SAKIN NA HINDI LANG
SA LOVE SONG NABUBUHAY ANG RAP O UMIIKOT
HANAPIN KO RAW ANG SARILI KO SA IBANG TEMA PA KUNG SAAN SA HARCORE RAP MGA MABILISANG
KANTA WORD PLAY LAHAT NG TEMA KUNG SAAN MAKAKBUON KA NG HALIMAWAN AT BALASAHANG KANTA
AT NAKAGAWA AKO NG UNANG HARDCORE KO KUNG SAAN NAKASAMA KO SI SMUGGLAS
HANGGANG SA NAGTULOY TULOY NA ANG PANGALANG JES.HUSTLA
AT NAGING TRADEMARK KO ANG "HARI NG INTERNET" DAHIL SA KANTA NAMIN NA ALLSTAR PUMUTOK SA QC.
KUNG SAAN AY NAKAKAPAG GUEST NA DIN
AKO SA MGA MALAKIHANG EVENT AT NAKAKANTA
SA MALALAYONG LUGAR KATULAD NG MGA PROBINSYA
HANGGANG SA MARAMI NA DIN NANINIWALA AT
SUMOSUPORTA SA PANGALAN JES.HUSTLA
MARAMING SALAMAT SA PINUNO NG MARTIAL CAMP RECORDS
KAY MAC MCNASZY ONE
CURSEONE SMUGLASS MCR ARTIST BREEZY BOYS / GIRLS
FLICT G , MIKE KOSA, NEGATIBO HEARTY THE BOMB
ABBADON, TUGLAKS,GHETTO DOGGS ,MASTA PLAN, FRANCIS M , ANDREW E ,
DEATH THREAT, GAGONG RAPPER, MGA PINAKINGGAN KO
AT IBANG IMPLUWESYA KO NA NGAYON NAKASAMA KO NA SA KANTA
SALAMAT.....
No comments:
Post a Comment