PHS pages

Sunday, March 25, 2012

Wag Ka Lamang Mawala - Vanjohn SKWATERHAWZ



WAG KA LAMANG MAWALA

nung wala ka pa, masaya 'ko mag-isa/
ngayong nandyan ka na, mas ayoko mag-isa/
dahil pag wala ka, madalas na ako ay balisa/
pero kung magalit ka naman daig ko pa ang nagisa/
sa sariling mantika na kumukulo kulo/
at twing sisimangot ka kumukunot noo/
dahil kahit saan na lang may tuksong sumusunod/
sa kaba ang aking laway nalulunok ko to/
maaalala ang nakaraan at ang sumusulpot puot/
kasi sa hinaharap di ka marunong lumukso/
at dito na susunod ang pusong lumulungkot/
sumasakit na ulo ko't nabubugbog bungo/
kulang na lang madatnan mo kong dumudugo pulso/
parang ang sarili ko sa kumunoy lumulubog/
kaya, bigla na lang ang aking buong mundo guho/
pero di ako bibitaw na parang gustong gusto ko to/

CHORUS:
Lahat ay aking gagawin,
(mapagod man ako ngayon bukas ay giginhawa rin)
Pikit matang tatangapin,
(kahit gano kasakit pa yan ay balewala pa rin)
Mas kayang masaktan paminsan minsan
Wag ka lamang mawala ng tuluyan

parang nagmamanhid na ang katawan at ang isip/
sa mga sakit na para bang kathang isip/
na di natin inaasahan kahit sa panaginip/
kasi ang pagibig na inaakalang walang limit/
ay mali pala, maliliit na bagay pinalalaki mo pa/
pagaawayan pa natin at ikakagalit mo pa/
pati ang nakalipas na ay dinadawit mo pa/
naging babaero ako nun at naging lalakero ka/
minsan ang biro mo ay di ko na nasasakyan/
umiiksing pasensya ko sana ay madagdagan/
ako'y humihingi ng tawad dahil twing ika'y nasasaktan/
ako rin nama'y nasasaktan/ at di na dapat pagtakpan/
na ang puso ko ngayon ay para bang nasaksak yan/
nagkakalamat, at dahan-dahang nawawasak na/
ang ganitong pangyayari, nakakasawa to/ 
masakit, pero di ko kayang mawala ang mga to/

CHORUS

di ko malaman kung ika'y napapabilib pa/
sa mga kanta ko sa'yo o nakakadiri na/
at sa akin kung ano-ano nagpapabili ka/
sa isang skwater nagpapalibre ka/
minsan nakakapikon na at nakakirita/
gusto ko ng katahimikan kasi nakakabingi na/.
wala ako sa mood para makipagkulitan/
pagod ako sa trabaho at kakauwi lang/
hindi ko sinasadya na ikaw ay masungitan/
di ko ginusto na ang relasyon ay maputikan/
madalas man na ikaw ay aking napapaiyak/
alam kong nakakahiya/ at ako ang nakakabigat/
pangakong wala ng iba/ at di ako mangangaliwa/
tandaan mong mahal kita at dun ako nakakatiyak/
ang ganitong pangyayari, nakakasawa to/ 
masakit, pero di ko kayang mawala ang mga to/

CHORUS

No comments:

Post a Comment