PHS pages

Sunday, February 26, 2012

Gobyerno - Ronwaldo




ganito sa pilipinas ang gobyerno,gobyerno. 
pera lang ang habol sa imperyo,imperyo. 
buhay ng pinoy nasa impyerno,impyerno. 
dapat magisip ng di masayang mga boto nyo.

-----------------------------------------------

ang pulitiko ay para bang basahan na tuyo. 
pagkatapos mangako sabay kakamot sa puyo.- 
bawat panig may batuhan may sarili na buyo. 
pagandahan ng pakay lahat ng boto masuyo.-

ang pamumuno lang naman naman ang gustong makamit. 
pag halalan ang usapan sa mahirap kakapit. 
gagawa sila ng jingle/para hit na single. 
pagnanalo heto san miguel bottle.-

sagot ko ang lahat pero wag nyong ikalat. 
magbibigay ako ng nakulimbat. 
kahit pinoy ay mamatay ng dilat. 
akoy binge kahit ang gas umangat.

mga mahirap ay walang pang lapag. 
kse pangulo ay wala ng habag. 
sya nagpatupad sya pa naglabag.- 
matatapos na ang terminong walang inambag.

-----------------------------------------------

ang dami na nila mga sakim sa salapi. 
pagnahuli na ng media ang labas silay api. 
tigilan na nila ang pang gagago sa bayan.- 
na ginagamit ang yaman para tapalan hukuman.

sa daming kinurakot pag kalikot humuhugot. 
kaban ng pilipinas mapula kakakurot. 
pulupot ng pulupot mga ahas sa senado. 
trabaho ba ang pakay o lumikom ng pondo?-

tumataas ang aking tono heto aming abono. 
ang dami mong na goyo sa pag hawak ng trono. 
nasan napunta mga binayad na buwis.- 
mga tao naghihirap katumbas nito ay pawis.

batas na babayaran pati buhay narin. 
cnong tetestigo para lang sakalin.- 
tututukan ng baril para hindi lang umamin.- 
ililibing nalang sa lupa pagdasal nalang amen.

No comments:

Post a Comment